Mga host ng Showtime, handa na sa ‘bakasyon grande’

TV host Vice Ganda posted photos with her "It's Showtime" family following the 12-day suspension of the Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) on their program.
Instagram / Vice Ganda

Handa na raw sa bakasyon grande ang mga host ng It’s Showtime.

Simula na nga sa Oct. 14 ang 12-day suspension nila na papalitan muna ng ibang programa na pangungunahan nina Luis Manzano and Melai Cantiveros.

Malungkot man daw ang mga host nito, pero tanggap na raw at iniisip na lang daw ng mga ito na bakasyon sila.

Hirap din daw kasing magbakasyon ang mga host nito lalo na sila Vice Ganda pero ito raw talagang legit ang bakasyon dahil nga sa suspension.

Pasabog ang mga eksena na ‘di alam ni Xian, Kim nag-no. 1 sa Linlang

Nagbunga ang ‘all the way’ ni Kim Chiu.

Unang araw pa lamang ng suspense-thriller series na Linlang ng ABS-CBN sa Prime Video Philippines noong Oktubre 5, agad na itong nanguna sa listahan ng mga pinapanood na TV series sa nasabing streaming platform.

Mapapanood na ang unang dalawang episodes nito na pinagbibidahan din nina Paulo Avelino at JM de Guzman. At bongga na agad ang mga eksena, kakaibang Kim na kahit daw siya ay nagulat.

Tuwing Huwebes, may bagong episodes ang Linlang na ilalabas sa Prime Video Philippines.

Bukod sa Pilipinas, napapanood din ito sa higit 240 na bansa at  teritoryo. Ito rin ang pangalawang serye ni Kim sa Prime Video kasunod ang Fit Check: Confessions of an Ukay Queen.

Umiikot ang kwento ng serye kay Victor “Bangis” Lualhati (Paulo Avelino), dating boksingero na naging seaman, at sa kanyang pagtuklas ng katotohanan sa likod ng pagtataksil ng kanyang asawang si Juliana (Kim Chiu).

Kasama rin nila ang mga premyadong aktres na sina Maricel Soriano at Ruby Ruiz, at ang isa sa rising stars ng ABS-CBN na si Kaila Estrada.

 Sina FM Reyes at Jojo Saguin naman ang mga direktor ng serye.

Sa totoong buhay ay ayaw nang pag-usapan ni Kim nung nalinlang siya ng ‘ex.’

Catriona, nagustuhan ang panlaban ni Michelle Dee!

Pwede nang bumoto para sa Miss Universe 2023 na gaganapin ang coronation sa El Salvador.

Si Michelle Marquez Dee ang pambato ng bansa na aminadong hindi kayang mabuhay na walang camera.

At kung meron man daw siyang isang salita na maaaring i-describe ang kanyang sarili, ito ay ang ‘unapologetic.’

 At nagustuhan ni former Miss Universe Catriona Gray ang kanyang headshot “I love this!!!,” comment ni Catriona.

Mismong si Michelle ang creative director ng nasabing pictorial.

Gaganapin ang Miss Universe sa Nov. 18, sa El Salvador.

Carla, mas gustong pag-usapan ang mga alagang aso kesa kay Tom

 Kahit wala nang network contract si Carla Abellana, dala-dalawa naman ang ginagawa niyang serye sa GMA 7 – The Black Rider and Stolen Life.

Last May pa siya walang contract sa Kapuso Network.

Pero busy ang November ni Carla because of two series nga na halos sabay eere.

And since hawakan din siya ng All Access to Artists (Triple A) mas naging active na rin si Carla sa social media kung saan  nagkaroon siya ng media launching at doon niya nabanggit na moved on na siya sa mga nangyari sa kanila ng ex husband na si Tom Rodriguez.

 “Matagal na. Definitely, I’ve moved on. I’ve closed that chapter in my life and I am happy where I am now. I’m more at peace and you cannot attain that peace without being able to forgive. I’ve also moved to my new house and I’m happy with my pet dogs,” kuwento niya.

Pero hindi na raw siya comfortable na makatrabaho ulit ito dahil babalik na nga raw si Tom ng bansa para buhayin ang showbiz career. “At this point, huwag na muna. I won’t be comfortable. And we’ve been paired several times before so sana, iba naman. Ang dami ko pang ibang gustong makatrabaho. I’d like to work with Piolo Pascual, whether it’s a movie or a teleserye. I’m now also more brave and adventurous to try new roles, like gusto ko subukang mag-contravida and do other genres, like suspense-thriller,” paliwanag pa niya.

Samantala, nasasabik ang Kapuso fans matapos ilabas ng GMA Public Affairs last Thursday (Oct. 5) ang teaser ng action series ni Primetime Action Hero Ruru Madrid – ang Black Rider.

Ayon nga sa netizens, isa na naman itong pasabog dahil maliban sa bigating cast, very socially-relevant din ang programa. Syempre, hindi rin dapat isantabi ang pagpuri nila sa angas at tikas ni Ruru sa mga maaksyong eksenang ipinakita sa teaser.

Aside from Carla, kasama rin sa Black Rider nina Matteo Guidicelli, Katrina Halili, Kylie Padilla, at Jon Lucas.

Show comments