Kylie, kinumpara si ruru kay Robin!
Sa Nov. 6 na ang world premiere ng Black Rider kung saan, may special participation si Kylie Padilla bilang si Berniece, ang asawa ni Elias (Ruru Madrid). Sobrang maaksyon ang series na pinagbuhusan ng lakas ni Ruru at humanga si Kylie sa kanya.
Hindi naiwasan ni Kylie na ikumpara ito sa ama niyang si Robin Padilla na alam natin ang kalibre ng pagiging action star noong kasikatan niya. “May mga kilos si Ruru na nakikita ko talaga ‘yung tatay ko. Sinasabi ko nga sa kanya, ‘You look like my dad.’ Actually, nakakatawa kasi nagko-compete kaming dalawa kung sino ang mas magaling gumaya,” kuwento ni Kylie.
Natuwa naman si Ruru sa pahayag na ito ni Kylie dahil nga idol niya si Sen. Robin. Nang magkita nga sina Ruru at Robin sa isang consultation para sa Eddie Garcia Law, hindi umalis si Ruru hanggang hindi siya nakapagpakuha ng photo with his idol.
Hindi na niya hinintay si Kylie na ipakilala at ilapit siya kay Robin, siya na ang lumapit dito at pinagbigyan naman siya ni Robin.
Samantala, nanghinayang ang KyRu fans kung bakit special participation lang si Kylie sa Black Rider dahil sa gitna ng story hanggang sa ending, si Yassi Pressman na ang makakapareha ni Ruru.
Pia, inintriga ang pagtawid sa Paris
Ayaw tigilan ng kanyang bashers si Pia Wurtzbach dahil bawat kilos sa dinaluhang Paris Fashion Week ay napapansin at pinapansin. Pati nga pagtawid nito sa pedestrian lane, pinansin. Conscious daw sa pagtawid si Pia at mukha raw walang confidence.
Dumepensa naman agad ang fans ni Pia, paano raw ba dapat tumawid?
May isa namang nag-comment na celebrities are being warned na baka may dala silang bed bugs from Paris, kaya dapat maging careful ito.
Anyway, nakabalik na sa bansa ang mga dumalo sa Paris Fashion Week at siguro naman matitigil na ang bangayan ng fans nina Pia at Heart Evangelista. Isyu pa rin ang former glam team ni Heart na kasama ni Pia sa Paris Fashion Week. Pero, bakit walang isyu na ang former glam team ni Pia ay siyang kasama ni Heart at nag-ayos sa kanya sa Paris Fashion Week?
Frankie, nagsalita sa pagsuporta kay Pura Luka
May reaction si Frankie Pangilinan sa pagkaka-headline ng pangalan niya sa isang ni-repost na item tungkol sa drag queen na si Pura Luka Vega. Nakasulat ang “Frankie Pangilinan, tila nagpahayag na rin ng pagsuporta sa panawagang “Free Pura Luka Vega” na ni-like pa ng ilang celebrity.
“Nagrepost lang po ng story (walang bagong caption o anumang comment) tas agad agad pangalan ko na ang titolo ng headline? i know it’s very easy to attach issues and opinions to me and me alone in order to earn clicks and interactions given my history of voicing strong opinions on social spaces, but let’s not use me as a distraction from the real issue and conversation/s to be had here please. the “full story” is not about me. it’s unfair and in poor taste. maraming salamat.”
Pero, ang dami nang nananawagan na palayain si Luka, hindi lang mga celebrity. Kabilang na sina Ice Seguerra at Dani Barretto.
- Latest