MANILA, Philippines — Mariing itinatanggi ni Rob Gomez na may ‘something’ na namagitan sa kanila ni Herlene Budol.
May mga lumabas kasing kuwentong nakikita ang sweetness ng dalawa nung ginagawa pa nila ang Magandang Dilag.
Nang nakatsikahan namin si Rob sa nakaraang Cast Reveal ng Shake, Rattle and Roll Extreme, sinabi lang niya sa aming nagpapasalamat siya sa GMA 7 na naging bahagi siya sa afternoon drama na ito.
Naging okay raw at maganda ang samahan ng buong cast.
Pero mukhang iba raw talaga ang closeness nila ni Herlene.
Ang sabi pa niya sa amin, wala naman daw silang communication ni Herlene.
Pero may nagtsika sa aming nakatakda raw silang lumabas out of town. Ewan ko lang kung totoo ‘yan. “Ano lang po siguro, dahil sobrang close lang namin and we are very comfortable with each other. nakikita lang siguro on a social media perspective na baka there is something more? Pero so far, wala pa po,” sabi pa ni Rob.
Naharap sa isyu si Rob dahil sa pagkakaroon niya ng anak sa dating beauty queen na si Shaila Rebortera.
Wala pa siyang masasabi sa kung ano ang isyu nila ngayon ni Shaila, pero “working on it” ang sabi niya, lalo na’t meron silang baby.
Sa tingin daw niya ay hindi raw ito makakaapekto sa kanyang career.
Si Rob ang isa sa bida sa episode na Rage ng Shake, Rattle and Roll Extream na dinirek ni Joey de Guzman.
Isa ito sa 30 films na isinumite sa screening committee. Sana makapasok ito.
Mayor Wes, sabik na rin sa kasal nina Sen. Sherwin at Bianca!
Kahit ang daming challenges na pinagdaanan ang mga taga-Valenzuela, napasaya sila nung Sabado sa kanilang Christmas Tree Lighting na pinangunahan ni Mayor Wes Gatchalian.
Tinawag nilang “Tree of Hope” itong inilawan nilang 50-foot tree na ginanap sa Valenzuela City People’s Park.
Ang Valenzuela City ang pinakaunang lungsod na nag-ilaw ng kanilang Christmas tree dahil isinabay na rin ang pagsisimula ng pagdiriwang ng 400th Founding anniversary ng naturang lungsod.
Sinimulan muna dito sa Christmas tree lighting na dinaluhan mismo ng King of Philippine Christmas Carols na si Jose Mari Chan.
Kasama rin sa nagpasaya sa mga taga-Valenzuela sina Patrick Quiroz at ang bandang Itchyworms.
Tuluy-tuloy na raw ang selebrasyon nila para sa 400th Founding anniversary hanggang sa culminating activity nito sa Nov. 12.
Binanggit na rin namin kay Mayor Wes na kung sakaling magpakasal na ang kanyang kapatid na si Sen. Sherwin Gatchalian at si Bianca Manalo, tiyak na malaking selebrasyon din ‘yan sa Valenzuela.
Pero hindi pa raw niya alam kung kailan na raw nilang balak na magpakasal.