Alice, proud sa unfiltered photos

Alice

Wala pa rin talagang kupas ang ganda ni Alice Dixson. Talaga patunay siya ng epitome ng ageless beauty.

Nag-post siya ng kanyang mga litrato sa social media na hinangaan ng kanyang fans at followers dahil unfiltered ang mga ito kung saan lumutang ang ganda niya.

Caption niya sa kanyang post, “54, Unfiltered,” at “R.A.W.”

Simple lang ang kanyang white outfit sa litrato pero classy pa rin ang dating niya.

Fifty-four na pala si Alice pero hindi mahahalata sa kanyang baby face.

Inulan nga siya ng papuri mula sa netizens dahil sa walang kupas niyang ganda. Meron pang nagkomento na “raw is best” dahil masasabi mo ngang totoo ang ganda nito dahil sa raw at unfiltered photos nito.

May tumawag pa sa kanyang Monica Bellucci ng Pilipinas na isang Italian actress at model pala.

Ang bongga talaga ni Alice.

Show comments