Nagtaka ang viewers ng Fast Talk with Boy Abunda nang si Kapuso actor Rocco Nacino ang nag-open ng show last Monday, Sept. 25. Kaya labis ang pasasalamat ni Boy nang abutan pa niya ang opening spiels ni Rocco na biglang naging host ng live telecast, dahil sa masikip at mabagal na daloy ng trapik mula sa house niya sa Commonwealth to GMA Network. Labis ang pasasalamat ni Boy kay Rocco sa ginawa nito. Pinasalamatan din ni Boy ang driver ng motorsiklong sinakyan at naghatid sa kanya para makaabot siya sa show.
Hindi raw naman makapaniwala ang motorcycle driver na ang inihatid niya ay ang kilalang host.
Nagkataong si Rocco ang special guest ni Boy to promote their GMA Afternoon Prime Drama series with Yasmien Kurdi, ang The Missing Husband.
Pinasalamatan naman ni Rocco ang GMA dahil malaki raw ang naitulong ng mga natutunan niya noong contestant siya sa StarStruck Season 5 kaya walang kakaba-kaba at hindi siya nataranta nang pakiusapan siyang maging substitute ni Boy habang hinihintay ang pagdating nito.
Dingdong, nagkasakit sa rami ng trabaho
Excited na si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, sa muling pagbabalik ng family game show niyang Family Feud na pansamantalang nagkaroon ng season break dahil dalawang shows ang ginawa niya, isa rito ang katatapos na mystery drama series na Royal Blood.
Hindi raw naman niya nakakalimutan ang game show dahil kahit saan siya pumunta ay tinatanong siya kung kailan ito ibabalik.
Natuwa siya dahil ibig daw sabihin ay hinahanap talaga ito ng mga tao at naging indicator pa raw niya ang mommy at daddy niya, dahil kapag tinatawagan siya, dalawa raw lamang ang tanong sa kanya, “sino ang pumatay kay Gustavo (sa Royal Blood) at kailan ibabalik ang Family Feud?”
Hindi man lang ang ‘kumusta ka anak?’ natatawang pahayag ni Dingdong.
Sa Monday, Oct. 2, ang pagbabalik ng Family Feud sa same timeslot nito, at nakapag-tape na raw sila ng episodes, isa rito na ang maglalaro ay ang family nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel.
Kung mabibigyan daw siya ng chance, gusto rin niyang maging contestant, kasama ang mga pinsan niyang sina Carlo Gonzales at Arthur Solinap at ang magiging host naman either ang wifey niyang si Marian Rivera or si Michael V.
Sa sunud-sunod palang trabaho ni Dingdong, nagkasakit din siya, pero okey na raw siya ngayon at nagsimula na nga sila ni Marian mag-shoot ng movie nilang Rewind na official entry ng Star Cinema, APT Entertainment at Agosto Dos Productions sa coming 2023 Metro Manila Film Festival sa December.