EA Guzman, pahinga muna sa pagbabakla

EA Guzman

Medyo nagpahinga muna si EA Guzman sa pagtanggap ng gay roles. Naramdaman kasi niyang nata-typecast na siya sa gano’ng klaseng roles.  “Noong 2017, noong gawin ko yung Deadma Walking, after no’n, napansin ko parang nata-typecast ako. So sabi ko ‘pahinga lang saglit.’ Babalik pa rin naman ako. Hindi ko isinasara ‘yung pinto,” sey ni EA.

After five years, okey na raw kay EA na tumanggap siya ng gay roles ulit. Sinimulan niya ang pagbabading sa isang segment ng Bubble Gang na Super Mamshie na isang superhero na fabulous at handang ipagtanggol ang mga accla laban sa mga mapang-aping brusko.

“Ngayon ginagawa ko ‘yung Super Mamshie, and I’m looking forward na gumawa ulit po ng pelikula na kahit ba­ding ako or teleserye man ‘yan, I’ll do it,” sey pa ni EA.

Elle at Derrick, bibida sa kuwento ng bullying at mental health

Nagpapasalamat ang real-life couple na sina Elle Villanueva at Derrick Monasterio dahil sa kanilang reunion project na revenge-drama series na Makiling.

Nabuo ang loveteam nila sa 2022 GMA teleserye na Return To Paradise na naging top-rater sa hapon.

“Masaya kasi siyempre siya ulit ang ka-partner ko, hindi na ako mag-a-adjust ulit sa mga ibang partner. Gusto ko ‘yung mga ganu’ng bagay, napapadali ang work,” sabi ni Derrick.

Itatampok sa series ang mga usapin gaya ng sibling rivalry, bullying at mental health.

Sey naman ni Elle: “I guess naiisip lang namin na investment din siya para sa character namin at para sa sarili namin.”.

Kasama nila sa cast sina Thea Tolentino, TJ Marquez, Royce Cabrera, Myrtle Sarrosa, Claire Castro, at Kristoffer Martin.

Usher napili sa super bowl halftime

Ang R&B singer na si Usher ang napiling mag-headline sa 2024 Super Bowl halftime show!

Kinumpirma ito ng Apple Music, the NFL, and Roc Nation. “It’s an honor of a lifetime to finally check a Super Bowl performance off my bucket list. I can’t wait to bring the world a show unlike anything else they’ve seen from me before.

“Thank you to the fans and everyone who made this opportunity happen. I’ll see you real soon,” sey ni Usher sa kanyang official statement.

Matatapos na on December 2 ang Las Vegas residency ni Usher kaya magkakaroon na siya ng time to prepare para sa performance niya sa Super Bowl LVIII na magaganap on February 11, 2024 sa Allegiant Stadium in Paradise, Nevada.

On that same day, ida-drop ni Usher ang kanyang 9th studio album titled Coming Home na ang carrier single ay Good Good featuring 21 Savage and Summer Walker.

Show comments