Willie, mataas ang ambisyon na sumikat ulit!  

Willie

Hindi masama ang mag-ambisyon. Libre rin lang naman ang mangarap, pero sana bago isapubliko ang mga ambisyon at pangarap, tingnan naman kung may posibilidad.

Iyan lang ang masasabi namin sa mga statement ni Anna Puod, isang dating junior executive ng ABS-CBN at ngayon ay general manager ng government station PTV 4.

Sabi ni Puod, sa kanila raw conservative projection, kayang talunin ng PTV 4 ang TV5 bilang number two station sa buong Pilipinas sa 2024. Ha? tama ba ang gising mo, day?

Dahil nga raw nawala ang ABS-CBN, ang GMA 7 ang siyang leading network ngayon, kaya raw nilang tapatan at talunin ang TV5 sa 2024 at posibleng malampasan na nila para maging pangunahing network sa 2025. Diyos na maawain, sino ka­yang santo ang gagawa ng milagrong kanyang sinasabi.

Sa kasalukuyang budget ng PCOO, ang PTV 4 ay pinaglaanan ng 125 milyong piso, at papaano nga ba lalawak ang audience kung sila naman ay isang non-commercial station. Government-funded sila. Gaya rin ng TV stations sa China, sa North Korea at maging ilang istasyon ng telebisyon sa Japan.

Narinig din namin noong isang araw sa budget hearing din, sinabi ng IBC 13 na kaya nila kinukuha ng PTV 4 si Willie Revillame ay para kahit na papaano ay mabawasan ang paniniwala ng mga tao na ang mga government at government sequestered stations ay mouthpiece lamang ng gobyerno, sino man ang nanungkulan diyan.

Para magawa iyon kailangan daw bumili at magtayo ng PTV 4 ng 60 provincial relays, gamit ang mga makabagong digital transmitters. Sa ganoon daw ay maaabot na ng PTV ang buong Pilipinas at matatakpan ang void na naiwan nang ipasara ang ABS-CBN.

Bentahan ng awards, lantaran na!

Noong makalawa ay naibahagi nga namin sa socNoong makalawa ay naibahagi nga namin sa social media na kami ay nakatanggap ng sulat mula sa SPEEd o Society of the Philippine Entertainment Editors na nagsasabing kami raw ay bibigyan ng award sa susunod na The Eddys na gaganapin sa Oct. 22.

Napakaganda ng reaksiyon ng mga kaibigan at kakilala namin nang sabihin namin iyon.

May comments lang na inalis na namin kasi parang bad taste.

Nabalik na naman tuloy ang usapan sa bentahan ng awards. Talagang nangyayari naman sa showbiz  ang bentahan ng awards, at kung noong araw ay ginagawa iyan nang patago, sa ngayon may mga award-giving bodies na ngang open sa bentahan ng awards. Mahahalata mo naman eh, kasi iyong mga hindi mo inaasahang manalo ang nananalo. May mga usapan pang package deal at awards na buy one take one free, parang bentahan lang sa social media.

Mayroon namang pasimple pa ang diskarte. Basta may nanalong hindi umareglo, kakantiyawan naman nila iyon na kailangang magbigay ng blowout sa kanila, at siyempre basta may blowout, kahit na hindi Chinese New Year ang nanalo ay magpapaulan ng red envelope na may lamang pampasuwerte.

So far ang SPEEd lang ang matino dahil wala kaming naririnig na anomalya sa kanilang awards. May sumubok pero hindi nagtagumpay, hindi sila nakapasok eh.

Iyan kasi ay binubuo ng mga inirerespetong entertainment editors ng mga lehitimong diyaryo. Ibig sabihin nakataya sa awards nila hindi lamang ang kanilang pangalan kundi ganoon din ang pangalan ng mga diyaryong kanilang kinakatawan. Mahirap mong sirain iyan. Iyon ang dahilan kung bakit nananatiling prestihiyoso iyang Eddys. Ang award na hindi mo mabibili, kahit na may pera ka pa. 

Mga laos nang artista, nagpipilit bumangon

Sabi ng isang beteranong showbiz writer, “iyan ang dapat matutuhan ng mga artista, iyong tanggapin kung bagsak na ang kanilang popularidad, kung hindi na sila sikat at laos na.”

Tama iyon dahil sa mga artista karaniwan na iyong laos na nagpipilit pa. Hindi nila matanggap na may mga bago nang stars at iniwan na sila ng kanilang fans na naghahabol na sa mga bago.

Masakit para sa isang artista ang masabing siya ay laos na. Gagawa at gagawa iyan ng paraan para mapansin ng mga tao, pero kung talagang wala na, wala na.

Kaya nga dapat nasa plano na ng managers kung kailan magre-retire ang isang artista. Basta bumababa na ang popularidad dapat mag-retire na.

Show comments