Kyline, pag-aaralin ulit maging kontrabida

Kyline Alcantara

Ipinakita na sa Chika Minute ng 24 Oras na nagsimula na ang bagong teleserye ng GMA 7 na Shining Inheritance, na isang adaptation of a Korean drama, na pagbibidahan nina Kate Valdez, Kyline Alcantara at Michael Sager. May interview na rin sina Kate at Kyline, at doon ikinuwento ni Kyline na siya ang kontrabida sa kanila ni Kate.

Dito ay inamin ni Kyline na may pagka-gray raw ang character niya at may agam-agam siya kung kaya niyang gampanan ang role. “Here, parang hindi ko po sure na kaya kong gampanan ang character ko,” sabi ni Kyline. “Noong araw po kasi, sa kontrabida roles ako nakilala nang nagsisimula ako, pero ‘yung mga sumunod kong roles, bida na po ako, kaya ngayon, pag-aaralan ko muli ang maging kontrabida.”

Kabaligtaran nga raw naman ngayon si Kate Valdez na unang nakilala sa kontrabida roles, dito sa Shining Inheritance ay napakabait naman ng character niya sa serye.

Big break naman ang serye kay Sparkle actor na si Michael Sager, na sunud-sunod din ang mga seryeng ginagawa nito. Napapanood siya ngayon sa top-rating GMA Afternoon Prime na Abot-Kamay na Pangarap bilang one of the suitors of Dr. Analyn Santos (Jillian Ward) at regularly siyang napapanood sa Eat Bulaga dahil maganda rin ang singing voice niya.

Kasama rin sa cast sina Paul Salas, Glydel Mercado at si Ms. Coney Reyes sa napaka-importanteng role niya sa serye.

Dingdong, babalikan ang Family Feud

Nasa last two nights na lamang ang inaabangan gabi-gabi na mystery-drama series na Royal Blood na nagtatampok kina Dingdong Dantes, Rhian Ramos, Mikael Daez, Megan Young at Lianne Valentin. Nalaman na ang pumatay kay Gustavo Royales (Tirso Cruz III) ay si Margaret (Rhian) pero hindi pa na-reveal kung sino ang accomplice niya sa pagpatay. Kaya sino sa tatlong magkakapatid (Dingdong, Mikael at Lianne) kaya ang accomplice niya?

Tamang-tama naman na muling magbabalik na si Dingdong sa pagho-host ng number one game show ng GMA 7, ang Family Feud sa Oct. 2, 5:40 p.m., with new episodes and new celebrity guests.

Magsisimula na rin sila ng wife niyang si Marian Rivera na mag-shooting next week ng Rewind na official entry na sa 2023 Metro Manila Film Festival sa December. Sa direksyon ni Mae Cruz-Alviar, ang Rewind ay collaboration between Star Cinema, Tony Tuviera’s APT Entertainment and Dingdong’s Agosto Dos Media.

Show comments