^

Pang Movies

Awra nagpasa ng rejoinder, resulta sa prosecutor ilalabas na!

Salve V. Asis - Pang-masa
Awra nagpasa ng rejoinder, resulta sa prosecutor ilalabas na!
Awra

MANILA, Philippines — Malapit nang malaman kung aakyat sa korte ang kasong isinampa sa komedyanteng si Awra Briguela dahil sa pakikipag­rambulan sa isang bar sa Makati kamakailan.

Nasa prosecutor pa ang mga kasong isinampa na light threats, grave coercion, at paglabag sa Safe Spaces Act.

Inireklamo siya ni Mark Christian Ravana na diumano’y pinagtulungan ng grupo ni Awra.

Kahapon ay nagpasa na ng rejoinder si Awra at doon na nga pag-aaralan ng prosecutor kung may basehan ang pagsasampa ng tatlong kaso.

Naunang nagsampa ng counter charge si Awra laban kay Mark Christian 

Inihain ang kaso sa Makati City Prosecutor’s Office.

Nauna na siyang kinasuhan ng slight physical injuries at simple disobedience to a person in authority sa Makati dahil pa rin sa naganap na rambulan noong Hun­yo 29 sa isang KTV bar sa Poblacion, Makati.

Arjo at Maine nakatanggap ng regalong sculpture kina Vic at Pauleen

Nakakuha ng nominasyon si Arjo Atayde bilang Best Lead Actor para sa Cattleya Killer, ang collaboration series ng ABS-CBN International Productions, Nathan Studios, at Prime Video, sa Asian Content Awards (ACA) 2023 na gaganapin sa Oktubre 8 sa Busan, South Korea.

Makakalaban ni Arjo, na gumanap bilang ahente na si Anton Dela Rosa sa serye, ang iba pang kilalang aktor na nagmula sa China, Thailand, South Korea, at Japan.

Bukod sa pagiging most watched series ng Cattleya Killer sa Prime Video matapos ang premiere nito, ito rin ang kauna-unahang Filipino produced drama series na ipinalabas sa Marché International des Programs de Communication o International Market of Communications Programs (MIPCOM) sa Cannes.

Ang Asia Contents Awards, na itinatag sa Busan, South Korea, ay isang taunang kaganapan na ipinagdiriwang ang mga tagumpay ng mahusay na nilalaman na ginawa para sa telebisyon, online, at OTT sa buong Asya.

Ngayong taon, nakipagsanib-puwersa ang ACA sa International OTT Festival at co-host naman ang Ministry of Science and ICT at Busan Metropolitan City.

Layunin nitong palawakin ang topograpiya nito mula sa Asya patungo sa iba’t ibang bahagi ng mundo, makisabay sa pagbabago sa lumalagong industriya ng media, at paghikayat sa paggawa ng magandang domestic at international content.

Samantala, isang brass sculpture na wedding memento ang natanggap nina Arjo at Maine Mendoza mula sa mag-asawang Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna.

Sa kanyang Instagram stories nitong Linggo ay pinasalamatan nito sina Bossing at Pauleen. “Our wedding memento. Thank you so much, @pauleenlunasotto and bossing!” sey sa caption ng bagong misis sa kanyang IG story sa nasabing art piece na made of brass na may gold finish.

Gawa ito ng kilalang sculptor na si Ronald Castrillo na inspired sa mismong kasal nina Maine at Arjo noong Hulyo 28 sa Baguio. “We like to celebrate the unique nature of every single Castrillo piece using traditional techniques passed on generation to generation. All these are individually handmade and even though we make every effort to create only the best, natural blemishes and imperfections are what make each piece unique, captivating and rich in stunning details. Descriptions and measurements have been used to best portray the pieces. Our genuine process that focuses on precision, crafted with love,” ang message sculptor sa card sa wedding memento.

Suki sina Vic at Pauleen ng nasabing artist at may collection sila ng mga gawa nito.

Gary nag-concert kahit walang boses, pinaliwanag kung bakit nanghina sa concert sa Amerika!

Nagpapagaling pa rin si Gary Valeciano sa pneumonia.

Mahaba ang kanyang video post habang nagwa-walking sa isang park at umuubo pa pero maayos na raw ang kalagayan niya at tuloy ang kanyang concert tour sa Canada.

Nung umalis pa lang daw sila ng Manila ay medyo mahina na ang katawan niya pero nakaya niyang mag-concert para sa unang league  #GaryVREENERGIZED 2023 tour kahit pakiramdam niya ay wala siyang boses.

Nauna na siyang nag-post ng “Oh yes I’m getting better friends. I’ve been given the go signal to exercise and I’m feeling a whole lot better than I did last week. God has been amazingly faithful yet again.

“Im going to complete this tour with flying colors and then I’ll be heading back to the Music Museum for the repeat performances. Just be patient. Tickets will be out very very soon!!!”

KC nanahimik sa mga sinabi ni Ate Shawie

Busy pa si KC Concepcion sa pelikula nilang Asian Persuasion.

Dumalo si KC at ang cast ng pelikula sa Soho Film Festival recently.

Kaya’t parang dedma pa siya sa mga pahayag ng mommy niyang si Sharon Cuneta na wala sa kanyang favoritism sa kanyang mga anak.

Nauna na si KC na nag-post ng “So honored to have worked with @dantebasco @kevin.kreider @itspaolomontalban @jaxbacani @scarlett_r_sher @itsceliaau @jhett.tolentino @mangstermind, and the whole talented cast and crew of this once-in-a-lifetime, Asian-American production. Soho Film Fest, here we come!”  

ARJO ATAYDE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with