KMJS, nominado sa Asia Contents Awards, may 30M Facebook followers na

Jessica Soho

Muli na namang itataas ng Jessica Soho (KMJS) ang bandera ng Pilipinas sa international scene. Nominado kasi ang KMJS sa 2023 Asia Contents Awards & Global OTT Awards para sa ‘Sugat ng Pangungulila’ story nito sa kategoryang Best Reality and Variety.

 Matatandaang ito rin ang kuwentong nag-uwi ng Gold World Medal sa 2023 New York Festivals. Bongga ng KMJS dahil ito lamang ang Philippine nominee sa nasabing category. Kapwa nominado ng KMJS sa kategoryang ito ang mga programa mula sa Korea at Vietnam. Sa Oktubre iaanunsyo ang winners at gaganapin ito sa Busan, Korea.

 Online, nananatili ang KMJS na most followed Philippine TV program sa Facebook. Pumalo na nga sa 30 million ang followers ng programa sa nasabing social media platform.

 #Dasurv naman talaga ng KMJS ang mga award at milyun-milyon nitong followers. Tuwing Linggo, pinagbubuklod nito ang pamilyang Pilipino para sa mga kuwentong talaga namang very entertaining, inspiring, at educational.

 Congratulations sa well-deserved achievements, KMJS!

Show comments