Piolo, ‘di makakalimutan ang ginawa nila ni Inigo

Piolo at Inigo

MANILA, Philippines — Kakaselebrayt lang ng kanyang birthday ang singer-actor na si Inigo Pascual.

Kaya naman nagbigay ng mensahe ang tatay nitong aktor at matinee idol na si Piolo Pascual. Ipinost nito ang litrato nilang mag-ama sa social media kung saan may kasama itong mensahe para sa kaarawan ng anak.

Mula nang magsimula raw ito ay alam niyang nakatadhanang magiging magaling ito. Hindi raw niya makakalimutan ang bawat performance nilang magkasama. Palagi rin daw siyang magiging No. 1 fan ng kaisa-isang anak.

“From the time you started in this business 10 years ago… I’ve always known you’re meant for greatness… it’ll always be a memorable moment when I perform with you… and I’ll always be your no.1 fan… Happy 26th birthday my one and only son… Papa loves you so much.”

Anak ni Piolo si Inigo sa ex nitong si Donna Lazaro.

Inulan naman siya ng pagbati mula sa mga kaibigan at netizens.

Show comments