^

Pang Movies

Sharon,‘di panonoorin ng pamilya sa concert nila ni Gabby!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Sharon,‘di panonoorin ng pamilya sa concert nila ni Gabby!
Kiko
STAR/ File

Inamin ni Sharon Cuneta na hindi mano­nood ng concert nila ni Gabby Concepcion ang kanyang asawa ngayong si dating senador Kiko Pangilinan, at sino man sa kanyang mga anak maliban kay KC Concepcion.

Bagama’t alam naman daw nilang lahat na tapos na kung ano man ang naging kaugnayan nila ni Gabby sa isa’t isa, ayaw na niyang magkaroon pa ng ibang usapan kung naroroon ang kanyang bagong pamilya.

Hindi naman sinabi ni Sharon kung ano ang inaasahan niyang magaganap sa concert, pero siyempre ang alam niya dudumugin iyon ng Sharon-Gabby fans at sinabi niyang sa concert ay magkakaroon ng parang storytelling kung saan nila babalikan ang nakaraan nila ni Gabby bilang magka-love team simula sa kanilang unang-unang pelikulang Dear Heart.

‘Di maiiwasan na mag-duet sila sa nasabing concert eh hindi naman maikakaila na sinabi nga ni Gabby, “dati Mrs. Concepcion ito eh.”

Kung doon sa press conference nga lang, nagtilian maging ang mga press people nung halikan ni Gabby si Sharon, at gusto pa nilang ulit-ulitin iyon, na hindi naman maikakailang naging kilig moments iyon sa kanilang lahat.

Ano nga naman ang mararamdaman ni Kiko at ng kanyang mga anak kung ganoon ang makikita at tiyak na mas matinding reaksiyon pa ng fans ang makikita nila.

Pero sinasabi ni Sharon, wala na talaga sila ni Gabby. May kanya-kanya na silang buhay. May sarili nang pamilya si Gabby at siya man ay ganoon din, kaya balewala na iyon, sinabi niyang para sa kanya trabaho na lang ang lahat ng iyon.

Sold out na raw ang tickets para sa concert na gaganapin sa MOA Arena sa Oct. 27, at dahil napakarami pa raw ang naghahanap ng high priced tickets, nagdesisyon silang magkaroon ng isang repeat agad sa Okada mismo sa Oct. 30.

Natural umangal din ang mga Cebuano na noong araw ay masasabi nga ring bailiwick ang mga Sharon-Gabby fans kaya nagdesisyon na rin sila ng kaparehong concert sa Two Star Hotel sa Cebu sa Nov. 27.

Pagkatapos maaari raw na dalhin ang concert na iyan sa US at iba pang bahagi ng mundo kapag nangyari iyon, aywan namin kung papaano ang gagawing arrangements ni Sharon sa kanyang pamilya.

Kung sa bagay, nasa wastong edad na rin naman sila at hindi na maaapektuhan ng mga ganoong bagay, kaya lang baka naman may mapikon sa pangyayaring ganoon.

Pero siguro naman dapat intindihin na ni Kiko ang mga ganoong bagay. Nagpakasal siya sa isang Megastar. Natural lang na lahat ng kilos noon inaabangan ng publiko. Natural din naman na sa lahat ng kanyang gawin ay may sasabihin ang publiko. Bilang isang pulitiko, naiintindihan naman siguro niya na hindi siya dapat magbalat sibuyas.

Ang Dear Heart, The Concert, ay inaasahan naming magiging isang malaking hit, at naniniwala kaming madadagdagan pa ang naka-schedule nilang dalawa pang shows.

Tiyak iyan maglalabasan ang die hard fans ng dalawa, lalo na iyong senior citizens, na noon ay siyang aktibo talaga nilang tagasunod, at kung mabubuhay nga lamang ang mga nakatulog na nilang fans noong araw, na nagsabing babalik lang sila kung ang magkatambal na ay sina Sharon at Gabby, aba eh matindi iyan.

Nang tanungin si Sharon kung papayag siyang halikan ulit ni Gabby sa kanilang concert, ang naging sagot niya ay “Bahala siya, ako yata ang babae alangan namang sa akin pa manggaling iyon.”

Eh kung nangyari na nga sa sandaling pagkikita nila sa presscon eh, di lalo nang mag-iinit ang fans na hanapin iyan sa concert mismo.

SHARON CUNETA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with