“You can’t heal what you don’t acknowledge, and you can’t move forward if you don’t acknowledge where you are right now,” pag-amin ni Moira dela Torre kahapon tungkol sa ADHD (Attention-deficit/hyperactivity disorder (ADHD) sa interview ni MJ Marfori.
At ‘yun aniya ang ginagawa niya ngayon, ‘taking things one step at a time.’
Nauna nang sinabi ni Moira na okay lang na hindi maging okay at ang paghingi ng tulong ay hindi dapat ikahiya matapos nga niyang aminin na nakikipaglaban siya sa mental health problem almost three years ago
Madalas daw siya noong nagkakaroon ng anxiety pero ngayon ay malaki na ang improvement dahil natanggap na niya ito.
Samantala, si Moira ang brand ambassador ngayon ng Maria Clara Sangria.
Pagkagaling niya ng Italy, agad siyang nagkaroon ng press launching sa Maria Clara Sangria kahapon at doon nga siya nakausap ng ilang entertainment press.
At umaapaw ang alindog niya. Mas blooming pa ata siya nung nagkaroon ng problema sa dating asawa.
Kaya keri na rin niyang mag-chill na walang alak.
Kaya swak siya sa nasabing sangria brand.
“It’s basically a friend for all seasons. And so, ‘Maria Clara’ is a reminder of where you’ve been and where you’re going and who you are as a woman.”
Dagdag niya : “It’s been a friend. It’s helped ease loneliness, it has helped people cope, It has helped people celebrate,” na ikinokonek nila sa pinagdaanan nga ni Moira na ginawan din niya ng kanta.
Kaya take the time to reflect on the lyrics and melody of Maria Clara, composed by this extraordinary talent, while enjoying a glass or two of Maria Clara Sangria or Maria Clara Virgin.
Joshua at french-fil golfer, kambal ang mga picture sa Italy
Nasa ibang bansa pala ang rumored couple na sina Joshua Garcia at Emilienne Vigier.
At kasalukuyan silang rumarampa sa Italy dahil sa mga posting nila sa social media. Halos kambal kasi ang mga picture nila.
Matagal-tagal na ring pinag-uusapan ang kanilang sinasabing relasyon pero wala silang confirmation maging sa social media accounts nila.
Pero may insinuation nga na magkasama sila at nasa iisang lugar.
Si Emilienne Vigier ay isang French-Fil golfer.
Si Joshua rin ang number 1 liker ni Emilienne.