Gabby at Sharon, sasagutin ang intriga sa billing!
This Friday na ang press conference ng Dear Heart concert nina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta at masasagot na ng dalawa ang tanong ng netizens kung bakit sa poster, nauna ang pangalan ni Gabby kesa kay Sharon?
May nag-comment pa nga na “ridiculously unfair” ang billing at may nagtanong kung paano napapayag si Sharon na sa second billing ng name niya sa concert. It turned out na parang may usapan ang kampo ng dalawa pagdating sa billing dahil sa ticket for the concert, mas una naman daw ang pangalan ni Sharon kay Gabby.
Nakiusap naman ang ShaGab fans na ‘wag nang gawing isyu ang billing dahil the mere fact na pumayag si Sharon, ibig sabihin, hindi ito isyu.
Sa presscon mamaya, maganda pa rin kung sa kanila marinig ang paliwanag sa kanilang billing. Sa Oct. 27, magaganap ang concert sa SM MOA Arena na mas nauna pang na sold out ang most expensive ticket at P18K+.
EA, naa-attract pa rin sa ibang babae!
Natsitsismis palang nagli-live in na ang couple na sina EA Guzman at Shaira Diaz dahil na rin siguro sa 10 years na ang kanilang relasyon. Ini-expect ng marami na baka nagsasama na nga ang dalawa.
Pero sa interview sa magdyowa sa The Boobay and Tekla Show, sa lie detector test, itinanggi nilang live-in na sila. Sa tanong ni Tekla na dapat Yes or No lang ang sagot, negative ang sagot ni EA. “No,” ang sagot ni EA at “truth” ang lumabas na resulta sa lie detector test.
Sunod na tanong ni Boobay, bakit hindi pumasok sa isip nila na mag-live in, kaya naman nila at wala namang kontra sa kanilang relasyon? “Baka magkasawaan eh,” ani Shaira. “May ganoon nagkakasawaan pero I think may good side rin naman siya para sa iba kasi mas nakikilala nila ‘yung partners nila. At saka gusto ko makapagtapos muna. Medyo ang dami ko pa talagang priorities,” patuloy nito.
Gusto nilang magkaroon ng church wedding dahil gusto nilang maging center ng kanilang relasyon at pagsasama ang Panginoon. Saka hindi uso sa dalawa ang selos, in fact, natawa lang si Shaira sa inamin ni EA na naa-attract pa rin siya sa ibang girls.
Pauleen, sumabak na rin sa online selling
Hindi live selling ang ginawa ni Pauleen Luna-Sotto dahil three of her luxury items lang naman ang ibinenta niya online. Pero, sabi ng netizens, kapag nag-enjoy siya sa online selling, siguradong mauulit ang pagbebenta niya ng kanyang mga gamit, lalo na kung hindi naman niya nagagamit.
For her first try sa online selling, binenta ni Pauline ang kanyang Chanel bag. Sabi nito. “Selling my Chanel 21C “My everything bag.” Only dustbag included pls. DM for serious buyers only.”
Ang kasunod, “Selling this baby too! Celine Trapeze in Red bag only” at “Brand new Prada shoes for sale too. RFS: Wrong size comes complete size 38.”
- Latest