Siguro dahil hindi pa rin nagsi-sink in sa akin iyon pagkamatay ni Ethel Ramos kaya parang in denial ako na ang dami na pala natin mga kaibigan ang nauna sa atin umalis sa mundong ito.
Shocked tayong lahat sa naganap kay Ricky Lo. Iyon pagkawala ni Mario Dumaual.
Talagang kahit alam natin na lahat tayo ay papunta roon, hindi pa rin natin matanggap.
Para lang isang masamang panaginip ang lahat.
Para bang hindi totoo ang mga nangyayari.
Ganito nga siguro ang effect pag nabigla ka sa isang balita.
Malaking balita ang pagkamatay ni Ethel Ramos.
Isa siyang icon sa showbiz kaya mahirap tanggapin na wala na siya.
Kaya talagang down na down ang feeling ko.
Pero ang isang bagay pa na hindi mabura sa isip ko ay lagi kong naalala ay nang tinawagan ako ni Bong Revilla after niyang dalawin si Ethel.
At hindi ko malimutan iyon dialogue niya na he is checking on me dahil gusto niya malaman lagay ng mga old friend niya.
Touching para sa akin iyon gesture na iyon ni Bong.
Talagang para siyang isang anak na inaalam ang lagay ng mga magulang niya.
Very grateful ako dahil ang sarap ng feeling na meron kang anak na checking kung ano ang lagay mo.
Sure ako na ngayon ay isa si Bong sa nag-aasikaso ng wake ni Ethel. Sure ako na nandun siya para tulungan ang pamilya Ramos na maayos ang lahat.
Napaka-sincere ng pagmamahal niya kay Ethel kaya parang nanay na rin ang turing niya rito. Kaya malaki ang pasasalamat ko dahil alam ko na si Bong din ang tiyak na mag-aasikaso kung may mangyari sa akin.