Dion, pinatigil ng asawa sa pambababae

Dion Ignacio

MANILA, Philippines — Itinuturing ng Royal Blood star na si Dion Ignacio na isang “answered prayer” ang kanyang asawa na si Aileen Sison, na dahilan kaya itinigil niya ang kanyang pambababae.

“Answered prayer din ang asawa ko eh. Noon parang ang gulo kasi walang direksyon. Nagkaka-girlfriend nga pero... Tapos ngayon ito, sabi ko ‘32 na ako, kailangan seryoso na ako.’ So dumating siya sa buhay ko ulit,” sabi pa ni Dion.

Ang kanyang pamilya ang pinaka-iingatan ngayon, at itinapon na raw ni Dion ang kanyang dating bisyo na pambababae.

Una raw na ginawa ni Dion ay ang magpalit ng cell phone number. Sinira raw niya ang sim card kunsaan naroon ang numbers ng mga babae.

“Siyempre hindi naman agad mawawala ‘yung mga contacts mo eh. Siyempre baka ‘Sino ‘yang nag-text?’ Nagde-date pa lang kayo sira ka na. Kaya dapat, nilayo ko na, tapos nagpalit ako ng number,” sey ni Dion.

That ‘70s show star Danny Masterson, guilty sa kasong rape!

Sinentensyahan ng 30 years in prison ang That ‘70s Show star na si Danny Masterson.

Ayon kay Judge Charlaine Olmedo: “Mr. Masterson, you are not the victim here. Your actions 20 years ago took away another person’s voice and choice. Your actions 20 years ago were criminal, and that is why you are here.”

The former teen actor was found guilty on two of three forcible rape charges.

Tatlong babae ang nagsampa ng reklamo kay Masterson na diumanong ginahasa niya sa kanyang bahay sa Hollywood Hills from 2001 hanggang 2003.

Sa trial ng aktor, sinabi ng isang biktima kay Masterson: “I still have to contend with what you did to me that night… That takes a life’s worth of therapy to repair. Every time I think I’m okay, that rape comes back to me.”

Tinawag naman na “true coward and heartless monster” ng isa pang biktima ang aktor.

Ang ikatlong biktima ay na-diagnose with PTSD dahil sa trauma ng pag-rape sa kanya ng aktor.

Ayon sa korte: “Masterson was given 15 years for each charge and must serve them consecutively.”

Show comments