Rhian, tinawag na Taylor Swift ng ‘Pinas
MANILA, Philippines — Ang ganda-ganda ni Rhian Ramos nang rumampa siya sa 80th Venice Film Festival. Para siyang reyna na rumarampa sa red carpet at talagang agaw-eksena.
Ibinahagi niya sa social media ang mga litrato niya suot ang gown na gawa ni Mark Bumgarner.
Caption ng Kapuso actress sa kanyang post, “What a life this is Walked the red carpet of the #VeniceFilmFestival2023 and felt like royalty in @markbumgarner”
Marami ang namangha sa ganda ni Rhian at napakomento ang netizens na hindi lang daw mala-royalty kundi mala-dyosa rin daw ang ganda nito. May tumawag pa sa kanya na Taylor Swift ng ‘Pinas.
Wala ring duda na pang-Hollywood ang vibes ng Royal Blood actress.
Kamakailan ay tumungo rin siya sa UK para sa kasal nina Lovi Poe at Monty Blencowe kasama niya ang karelasyong si Sam Verzosa.
Bongga.
- Latest