Pagbo-boycott kay Alden, throwback na!
MANILA, Philippines — May bagong title ba na nababagay kay Alden Richards – ang “leading man na hindi puwedeng magkaroon ng leading lady” dahil umiral na naman ang banta ng AlDub Nation na ibo-boycott nila ang pelikula ni Alden basta may ibang leading lady, gaya rin ng ginawa nilang pagbo-boycott kay Maine Mendoza kahit na noong hindi pa nagpapakasal iyon kay Arjo Atayde?
Ngayon pinagbabantaan naman nila ang pelikula nina Alden at Sharon Cuneta kung saan gumaganap silang mag-ina.
Iyong isa naman niyang pelikula, ang kasama niya ay si Julia Montes, dramatic love story iyon, pero alam ng lahat na ang syota ni Julia ay si Coco Martin.
Pero may epekto pa ba sa panahon ngayon ang ganyang pagbabanta?
Wala na ata.
Throwback na ang AlDub kumbaga, bahagi na ng nakaraan kaya tigilan na ang ganyan.
Takilya na lang ang humusga kung magiging box-office si Alden.
Jimmy, kuntento na sa pamumulot ng basura
Tuluyan na palang nag-migrate sa Canada si Jimmy Santos.
Biktima rin ng pandemic iyan.
Nang ipagbawal ng IATF na lumabas ng bahay ang senior citizens dahil sa pandemic, nawalan na ng trabaho si Jimmy, hindi na kasi siya makapunta sa studio ng Eat Bulaga, gaya rin naman nina Vic Sotto at Joey de Leon na kaya lang nakapanatili sa show ay dahil sa Zoom.
Nang natapos naman ang pandemya, sandali lang nakapanatili ang Eat Bulaga at nagkagulo na. Hindi na nagkaroon ng pagkakataong bumalik si Jimmy, may nagsasabing kung anu-anong trabaho raw ang pinasok ni Jimmy dahil sa pandemic, kaya ngayon naisip na niyang magtungo at magpanibagong buhay na nga sa Canada.
Ngayon bigtime basurero raw si Jimmy sa Canada.
Isang marangal sa nasabing bansa ang pamumulot ng basura.
Poging newscaster, mala-auction ang pila ng mga bading
Totoo bang inaabangan daw ng mga bading ang isang poging newscaster pagkatapos ng kanilang pagbabalita.
Kasi kumalat din naman na gay friendly raw ang poging male newscaster.
Hindi siya gaya ng isang newscaster na homophobic daw pero sa tunay na buhay ay may bahid din naman pala ng kabadingan, ayaw pa nga lang magladlad.
Aywan namin kung hanggang saan umaabot ang pakikipagkaibigan ng poging newscaster sa mga bading, basta inaabangan siya ng mga bading at hitsurang may auction sila pagkatapos sa paglabanan para maka-date ang newscaster.
- Latest