KC, nawala na ang closeness kay Kiko?!

May tampuhan bang namamagitan sa pagitan nina KC Concepcion and her stepdad na si dating Sen. Kiko Pangilinan and her half-sister na si Frankie Pangilinan?
Kilala si KC sa pagiging super-close sa kanyang stepdad na kinu-consider niyang second dad next to her biological father na si Gabby at kilala rin ang singer-actress, entrepreneur sa pagiging extra close sa kanyang mga nakababatang kapatid na sina Garie, Cloe, Frankie, Miel, Miguel, Samantha at Savannah. Sina Frankie, Miel at Miguel ay half-siblings niya sa kanyang mom at stepdad na si dating senador na si Kiko.
Bilang panganay sa kanilang magkakapatid, ipinapakita ni KC ang kanyang pagiging big sister sa kanyang mga nakababatang kapatid. Siya rin ang gumawa ng paraan na maging close silang magkakapatid sa father side.
Samantala, marami naman ang umaasa na sana’y mauwi sa kasalan ang relasyon ngayon ni KC sa kanyang present boyfriend, ang Filipino-Swiss businessman na si Steve Michael Wuetrich or Mike Wuetrich.
KC is 38 habang 41 years old naman si Mike.
Alden, tinatapos na ang tambalan nila ni Julia!
It was announced na hindi na matutuloy ang unang tambalan sa pelikula nina Bea Alonzo at Alden Richards dahil umano sa schedule ng una kaya si Bea ay pinalitan ng Viva star na si Julia Barretto sa local movie adaptation ng hit Korean movie na A Moment to Remember na nakatakdang pamahalaan ng box office director na si Nuel Naval sa ilalim ng joint production ng Viva Films, GMA Pictures and APT Entertainment.
Kung matatandaan pa, naging sentro ng kontrobersiya sina Bea, Julia at ang actor na si Gerald Anderson nung 2019 dahil sa ginawa umanong ‘ghosting’ ni Gerald kay Bea, his former girlfriend at itinurong dahilan si Julia na kahihiwalay lang din noon sa dati nitong kasintahan na si Joshua Garcia.
Past forward, pare-pareho nang nakapag-move on ang tatlo. Si Bea ay muling nakatagpo ng bagong pag-ibig sa katauhan ng actor na si Dominic Roque kung kanino na siya engaged ngayon habang sina Gerald at Julia ay nagkatuluyan ang relasyon at sila pa rin hangggang ngayon.
Ang original title ng Korean movie na A Moment to Remember ay papalitan ng titulo at gagawin na itong Special Memories na si Direk Nuel pa rin ang director na siyang nagdirek ng isa pang Philippine adaptation ng hit Korean movie na Miracle in Cell Number 7 na siyang nanguna sa 2019 Metro Manila Film. Si Direk Nuel din ang nasa likod ng 2022 Metro Manila Film Festival award-winning movie na Family Matters na pinagbidahan nina Noel Trinidad at Liza Lorena.
Tinapos na rin ni Alden ang una nilang tambalan ni Julia Montes sa pelikulang Five Break-Ups and a Romance mula sa panulat ni Irene Villamor, ang director sa likod ng hit movies na Camp Sawi, Sid & Aya (Not A Love Story, On Vodka, Beers and Regrets, Meet Me in St. Gallen at iba pa.
Ngayon pa lamang ay pinag-uusapan na ng publiko ang intense kissing scenes nina Alden at Julia mula sa kanilang romance-drama movie.
- Latest