Marian, pinagbigyan ang bagong anak
Mukhang lalong nag-enjoy si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na mag-dance video dahil may ka-partner na siya, si Raphael Landicho, na gumaganap na anak niya sa upcoming series na ginagawa nila sa GMA Network with Gabby Concepcion. Si Raphael ang nag-post ng video nila ni Marian sa kanyang social media account, while they grooved to Nicki Minaj’s Super Bass na as of this posting, nakakuha na ng more than 1.5 million views.
On his Instagram page, Raphael shared the reel showing him and Marian dancing to Super Bass by Nicki Minaj: “Yehey, thank you po Ate Yan @marianrivera, napagbigyan nyo po ako.”
Ang ginawa naman ni Marian, inilagay niya ang reel’s comments section and sent smiling face with heart-shaped eyes emojis.
Meanwhile, nasa last two weeks na lamang ang Voltes V: Legacy, na isa si Raphael, as Little Jon Armstrong sa bumubuo ng Voltes V with Miguel Tanfelix, Matt Lozano, Radson Flores at Ysabel Ortega, na napapanood daily, at 8 p.m., sa GMA 7.
Gabby, ayaw Mangialam kina KC at Sharon
Alam daw ni Gabby Concepcion ang dahilan ng anak niyang si KC Concepcion kung bakit nito in-unfollow ang stepdad nitong si Kiko Pangilinan at stepsister na si Frankie. Ayon sa columnist na si Cristy Fermin, alam nga raw ni Gabby ang nangyayari, pero siguradong pipiliin daw nitong huwag panghimasukan ang tampuhan ng anak sa kanyang pamilya sa side ng mommy nitong si Megastar Sharon Cuneta. Usap-usapan na kasi sa social media na mukhang hindi na naman maayos ang relasyon nila na napansin ng netizens, kaya nag-unfollow si KC.
Ayon pa rin kay Cristy, si Gabby raw kasi ay parang si KC rin, bihira lamang magsalita at hindi nagpo-post ng malalalim na bagay tungkol sa mga tao na malalapit sa kanya.
May mga nanghihinayang naman sa bagong development na ito, dahil katatapos lamang magsalita si KC kung gaano siya natuwa nang malaman niyang magsasama sa isang concert ang mga magulang niya, ang Dear Heart, na magaganap on Oct. 27, sa SM Mall of Asia Arena. Iba raw kasi ang nararamdaman niya dahil siya lamang ang anak nina Gabby at Sharon, at pangarap niyang makita ang parents niya na masayang nag-uusap, nagtatawanan, magkasundo at magkaibigan.
- Latest