Dawn, emosyonal sa pag-alis ng anak

Anton, Jacobo at Dawn

College na rin pala ang anak nina Dawn Zulueta at Anton Lagdameo na si Jacobo.

Ipinakita ni Dawn ang paghatid nila ng mister sa anak na mag-aaral sa Fordham University, isang kilalang Catholic university sa New York City.

Proud parents sila at tinulungan din nilang mag-ayos si Jacobo sa kanyang dorm.

Caption ni Dawn sa kanyang post, “Farewell drop-off today. Big THANK YOU to everyone in the welcoming committee at @fordhamuniversity for the very warm & reassuring welcome we received this week.”

‘Di madali para sa kanya bilang nanay ang malayo sa anak kaya mami-miss daw talaga niya ang anak. Dagdag nito, “We will miss you, Son @jacobolagdameo But we’re never far away? Papa and I are so proud of you.”

Marami namang parents ang naka-relate sa kanya at naging emosyonal din sa napanood nilang video na ibinahagi ni Dawn.

Meron pa silang isang anak na si Ayisha na makikita rin sa mga post ni Dawn na isang magaling na ballerina.

Show comments