May isa raw tomboy na obsessed noon sa isang sikat at magandang aktres, pero hindi siya pinansin ano man ang gawin niya dahil noon ay nababaliw pa ang aktres sa kanyang ex boyfriend na kinaliwa rin siya.
Dahil sa mismong frustration daw ng tomboy na hindi siya pinapansin ng aktres, nag-suicide iyon. Uminom ng Clorox at sinundan pa ng fabric conditioner.
Nang makita ng mga kasamahan sa bahay, bumubula na raw ang bibig noon at hindi na rin umabot sa ospital.
May narinig na ako noon na ganitong kuwento pero iba raw ito doon.
Grabe rin talaga ang lesbian pag na-in love.
Sixteen ni Ate Vi, paborito ng mga nagsu-zumba
Amazed ang isang movie writer na nagbalita sa amin na may nadaanan siyang isang zumba session at ang ginagamit na tugtog ay ang kantang Sixteen ni Vilma Santos.
Kami hindi nagulat dahil sa isang mall malapit sa amin ay may mga nagzu-zumba sa Atrium at lagi naming naririnig na ang tugtog nila ay Sixteen ni Ate Vi. Mukhang paborito iyon ng mga nagzu-zumba dahil sa lively beat ng kanta.
Iyong isang kaibigan din naming zumba instructor ang nagsabi sa amin, talaga raw ang kanta ni Ate Vi ay kasama sa ginawa nilang music CD para sa kanilang Zumba sessions.
Kinanta ni Ate Vi ang Sixteen noong 1969, nang siya ay sixteen. Ang kanta ay ginawa para sa kanya ng composer na si Dannie Subido.
Ang nasa isip nila hindi naman singer si Ate Vi kaya ang kailangang kantahin niya ay iyong hindi siya mahihirapan. Hindi nila akalain na matapos lang ang tatlong buwan, ang Sixteen ay nakabenta ng kalahating milyong kopya sa buong Pilipinas.
Nang gawing album ang Sixteen, lalo iyong naging isang malaking hit. Kaya si Ate Vi, nagksunud-sunod din ang recording at sabihin man niyang hindi siya singer, ano ang magagawa niya eh napakataas ng demand sa kanyang mga plaka?
Noong una, sa mga personal appearances ay kinakantahan lang siya ng ka-love team niyang si Edgar Mortiz, nang malaunan, mas marami pa ang kanta niya kaysa kay Bobot, na isang magaling at champion singer sa Tawag ng Tanghalan.
Bukod sa sixteen, naging napakalaking hit din ang kanta niyang Batya’t Palu Palo na ginamit pang theme song ng isang pelikula nila ng king of Philippine movies na si FPJ.
Andrea, nag-playtime lang daw
Hindi raw akalain ni Andrea Brillantes na tatanggap siya ng katakut-takot na bashing at paninira dahil sa kanyang internet post na nagsasabing crush niya ang anak na binata ni Ina Raymundo na si Jakob Portunak. Diretso kasi niyang sinabing gusto niyang maka-date iyon. Inamin din niya sa iba pang related post na talagang guwapung-guwapo siya sa anak ni Ina Raymundo, kaya lang noong ipakilala iyon sa kanya ay kasama niya ang kanyang ex boyfriend na ka-holding hands pa man din niya.
Hindi naman siguro talagang galit ang mga nambash kay Andrea, hindi lang kasi siguro sanay ang mga Pinoy sa mga babaing siya pang nagsasabing gusto nilang maka-date ang isang lalaki.
Tama naman naman si Andrea, wala namang masama kung humanga siya kay Jakob, dahil talaga namang pogi iyon. May nagsasabi ngang mas poging di hamak si Jacob kaysa sa kanyang ex na si Ricci Rivero.
Sinabi rin niyang playtime lang ‘yun, pero kahit na.