^

Pang Movies

Sharon at Kiko, brokenhearted sa anak na lumayas

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Sharon at Kiko, brokenhearted sa anak na lumayas
Kiko at Frankie

Brokenhearted na naman si Sharon Cuneta dahil bumalik na sa Amerika ang panganay nila ni Kiko Pangilinan na si Frankie Pangilinan para ituloy ang pag-aaral. Hindi na nga yata sumama si Sharon na ihatid sa airport si Frankie dahil si Kiko lang ang may photo kasama si Frankie sa airport. “Hindi pa rin ako masanay-sanay... Tuwing aalis si Kakie ko pabalik ng Amerika, parang pinupunit ang puso ko. It never gets any easier... Such a loving and affectionate daughter and sister... tuwing uuwi siya tumatalong sa ligaya ang puso ko... tapos aalis lang uli... Tapusin mo na yang course mo, Baba... Ayoko na ng ganito laging parang rollercoaster ride! I love you with all of my (right now, bleeding) heart my baby. One year na lang... Ano ba yan tapos si Mielly naman! Waaaahhh!!! @frankiepangilinan P.S. You were right, Mommy- mahirap nga maging mommy!,” caption ng dating senador.

Maraming mommy at daddy ang naka-relate at naalala namin ang comment sa pag-alis ni Frankie to continue her studies abroad. Bakit daw hindi na lang sa UP siya nag-aral at pati na rin si Miel, maganda rin naman daw sa UP. In fact, sa UP graduate si Kiko at mga kapatid nito.

Samantala, nabisita namin ang Instagram ni Kiko kung saan, pinost nito ang mga kapamilya at kaibigan na bumati sa kanya ng happy birthday. Wala nga kaming nakitang birthday greetings ni KC Concepcion sa kanya o baka naman in private siya binati ni KC.

Rob, nagmamakaawa sa ka-live in na lumayas

Nanatiling naka-private ang Instagram account ni Dra. Shaila Rebotera (dentist siya) two days after mag-post sa IG ni Rob Gomez asking forgiveness sa pagsasabing single siya sa guesting niya sa ‘Fast Talk with Boy Abunda.’

In public ang pagso-sorry ni Rob at sinabi pa nitong “I can’t wait to have you both back in my arms” after lumayas ni Shaila sa bahay nina Rob dala ang baby girl nilang si Amelia.

So, Rob is trying to win Shaila back na sa gitna ng kanilang away at paghihiwalay ay naghanap ng condo na mauupahan sa may BGC area na malapit siguro sa place of work niya.

Bukod nga sa I love you, pinost na rin ni Rob ang photos nilang mag-anak at pati ang video nang manood sila ni Shaila ng concert ni Bruno Mars. Sweet pa sila sa concert at pinunasan pa ni Shaila ang pawis sa noo ni Rob.

Pinusuan ni Herlene Budol ang post ni Rob, hindi na siguro mali-link ang dalawa na kaya naman na-link dahil magkasama sa Afternoon Prime ng GMA-7 na Magandang Dilag.

Extended ang nasabing seriesat siguro naman, kasama pa rin ang karakter ni Rob sa extension.

SHARON CUNETA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with