^

Pang Movies

‘Di na inihatid sa altar ng nanay

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
‘Di na inihatid sa altar ng nanay
Lovi at Monty

MANILA, Philippines — Parang may pressure na ang susunod na celebrity wedding.

Ang hirap sundan ng kasal ni Lovi Poe/Monty Blencowe.

Nauna nang ikinasal sina na Arjo Atayde/Maine Mendoza and Maja Salvador/Rambo Nunez.

Si Lovi at long-time British boyfriend ay ikinasal sa isang romantic garden wedding sa Cliveden House sa Berkshire, England.

Historical ang nasabing lugar na isang five star hotel doon ayon sa kanilang website. “Built-in 1666 by the 2nd Duke of Buckingham, as a gift to his mistress, Cliveden House has remained a pinnacle of intrigue and glamour for the elite. Now a five-star award-winning hotel, Cliveden House to this day remains host to the most Iconic celebrations and an exclusive country house escape, just an hour outside of London.”

Ganun kabongga pala ang nasabing lugar.

Wala pang binibigay na details, pero engaged to be married na sina Dominic Roque and Bea Alonzo.

At hinihintay ng fans kung saan sila pakakasal, kung sa Spain o sa farm ni Bea sa Zambales.

Ikinasal nga ang Kapamilya Supreme Actress sa producer na isang British noong Sabado.

Ayon sa chika ng kaibigang si Jun Lalin na dumalo sa nasabing kasalan, almost 4:00 p.m. na nagsimula ang wedding ceremony.

At habang lumalakad daw sa may garden ang bride ay nagsabi ito ng “Hahaha. I wanna savor this moment” habang tinutugtog ang Pangarap Ko Ang Ibigin Ka ni Ogie Alcasid.

Ayon pa kay Jun, naiiyak na si Lovi habang naglalakad papalapit sa mister.

Nag-solong naglakad si Lovi at hindi siya inihatid ng inang si Rowena Moran.

At pagdating daw ni Lovi sa may altar ay nilapitan kaagad siya ni Monty at itinaas ang veil ng actress kaya nag-joke ito ng “It’s too early.”

Inulan din pala ang nasabing kasalan kaya lumipat ng lugar na katabi lang ng garden at doon na tinapos ang seremonyas.

Naniniwala naman ang bagong kasal na senyales ang nasabing ulan na uulan din ng swerte sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

Dumating doon si Senator Grace Poe na tumayong matron of honor at ang sister naman ni Lovi na si Mariella Tung ang maid of honor.

Lahat ay masaya sa nasabing kasalan.

Ang sabi ay hindi magtatagal si Lovi sa London.

Babalik din daw ito ng bansa para tapusin ang mga commitment.

vuukle comment

LOVI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with