Andrea, itinangging naghahanap ng bagong papa
MANILA, Philippines — May sagot si Andrea Brillantes sa hate comments at nam-bash sa kanya nang gawin ang Date or Pass vlog na kung saan, inaming crush niya ang anak ni Ina Raymundo na si Jakob Poturnak. Ang dami niyang hate comments na natanggap dahil sa vlog na ‘yun, kaya nagsalita na ito.
Ayon kay Andrea, playtime lang nilang magkakaibigan ang kanilang ginawa at sinabi lang naman daw niya na nagagwapuhan siya kay Jakob. Kaya raw Date or Pass ang kanilang ginawa sa halip na Jojowain o Totropahin dahil hindi siya naghahanap ng bagong karelasyon.
Dagdag pa niya, for content lang ang mga sinabi niya dahil hindi siya naghahanap ng bagong makakarelasyon. Batay sa mga comment na natanggap, ang dating ng mga comment ng netizens, pinagmukha raw syang mababaw na tao.
Sa paliwanag niya na ito, siguro naman titigilan na siyang pukulin ng puna, kritisismo at kung anu-ano pang negative comments.
Michael Flores, nadale ng networking!
Naka-relate si Michael Flores sa story ng The Missing Husband na tungkol sa scam at scammers dahil naging biktima na rin siya ng scam. Kuwento nito sa Zoom mediacon ng Afternoon Prime na magsisimula ngayong 4:05 p.m., sa GMA 7, investment scam din ang nangyari sa kanya.
“It was five years ago at ang tao na nang-scam sa akin ay nagtatago na. Networking ang dumale sa akin and we found out na ‘yung tao na ‘yun ay never nagpasok ng pera sa investment. Milyon din ang na-scam sa akin, nagpaparamdam naman siya, pero hindi nagpapakita. Plano kong i-expose siya at ang mali ko, hindi ko siya ganu’n kakilala,” sabi ni Michael.
“Sa laki ng utang niya, nagbibigay siya ng P1K at minsan P2K, ang ginawa ko, nilabas ko na sa social media,” dagdag niya.
Pero sa The Missing Husband, hindi na-scam ang karakter niya at hindi rin siya ang scammer. Kaya lang, damay pa rin ang karakter niya dahil ang asawa niya na ginagampanan ni Max Eigenmann ay kapatid ni Rocco Nacino na na-scam at naging scammer na rin.
- Latest