Ang 1939 LVN musical drama na Giliw Ko na pinagbibidahan ni Mila del Sol, kilala bilang ‘Queen of Philippines Golden Cinema’ ay muling napanood nang libre sa The Metropolitan Theatre pagkatapos ng 84 na taon mula noong una itong ipalabas sa teatro.
“Inabot kami ng 2 years para matapos ang pag-restore sa ABS-CBN Film Archives habang ‘yung audio naman ay inayos ng Narra by Wildsound Studios ng higit 2 buwan. Kinailangan naming ulit-ulitin ang pag-rescan ng ibang eksena dahil maraming bahagi ng orihinal na kopya ang nasira na talaga,” pahayag ni Leo Katigbak, head ng ABS-CBN Film Restoration and Archives.
Isinulat at idinirek ni Carlos Vander Tolosa, ang Giliw Ko ay umiikot sa kwento ni Guia (Mila del Sol), na may pambihirang boses sa pagkanta at hinahangad na makatuluyan ng lahat ng mga lalaki sa hacienda.