Maris Racal at Rico, nagbukas ng coffee shop sa La Union

Maris

MANILA, Philippines — Bongga si Maris Racal, may sariling coffee shop na sa La Union.

Pinakita niya ito sa kanyang social media accounts kahapon.

Aniya “Ma, may coffee shop na ako!

“I hope u guys support my first ever business venture! Located at @portsanjuan , La Union.”

Ang dami naman agad nag-congratulate sa kanyang showbiz friends.

Tulad nina Angelica Panganiban, Liza Soberano, Sue Ramirez at iba pa.

Ang tanong ng kanyang followers ay kung doon na raw kaya sila magse-settle ng partner niyang si Rico Blanco ‘pag ikinasal na sila.

Puntahan ang La Union ng mga mahihilig sa beach at surfing kaya booming ang negosyo roon.

Maine walang planong layasan ang showbiz

Busy wifey si Maine Mendoza.

Yup abala na sa trabaho ang bagong kasal.

Ayon sa kanyang management team na Triple A – All Access to Artists, ang daming projects ng Phenomenal Star.

At regular na siya ulit na napapanood daily noontime show na E.A.T. with TVJ  sa TV5 and her endorsements tulad ng new ad niya for Zonrox.

Actually, pero marami pa raw iba pa, na ‘di muna pwedeng i-reveal

Kaya kumpirmado, hindi siya magreretiro pagkakasal kay Cong. Arjo Atayde.

Bago ang kanilang kasal ay kumalat ang isyung hindi na magso-showbiz si Maine at mag-aalaga na lang ito ng mister na pulitiko.

Jose Mari Chan nakapuwesto na

Sumisilip-silip na si Jose Mari Chan.

As in ang dami na agad meme para sa pagpasok ng Ber month.

Si Jose Mari ang kumbaga ay boses at mukha ng Holiday Season ng Pilipinas dahil sa kanyang kantang Christmas In Our Hearts.

Eh ilang araw na lang September na kaya kahit sa FM radio stations meron na ring silang plugging na sila ang unang babati ng Merry Christmas.

Mas normal pa ang Pasko ngayon kesa sa nakalipas na taon.

Dolly, hindi perfect ang rating kay Kathryn

Hindi perfect 10 ang rating ng  BAFTA at Golden Globe nominee na si Dolly de Leon sa akting Kapamilya superstar na si Kathryn Bernardo.

Nine, out of 10. May isang natira.

“Kunyari 10 ‘yung highest, ‘no, okay. I give her a nine. I’ll qualify why. Kaya hindi perfect score because learning and growing is a never-ending process. There is always room for improvement. And perfection can never be achieved. But she is up there, she has a very high mark, and I think I already explained this earlier. The reason why I think she’s a very strong actress is because she is able to access her vulnerable side and express those emotions and flesh them out into a character, a living, breathing human being. And it takes skill and talent to be able to do that,” mahabang paliwanag ng internationally acclaimed actress sa katatapos na grand mediacon ng pinagsasamahan nilang pelikula, ang A Very Good Girl, ng Star Cinema kung bakit hindi perfect 10 ang kanyang grado sa karelasyon ni Daniel Padilla.

First time nilang nagkasama sa pelikula bagama’t nagkatrabaho na sila noong-noon pa sa isang TV project kaya’t nagkaroon sila ng adjustment sa umpisa ng shooting ng pelikula na mapapanood sa mga sinehan umpisa sa Sept. 27.

Show comments