Yassi, getting to know more ang status sa pulitiko!

Yassi at Luigi

Nagsalita na si Yassi Pressman tungkol sa pag-viral kamakailan ng litrato nila ni Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte.
Spotted kasi sila sa litrato na nakasakay sa isang ATV habang nakahawak pa ang gobernador sa hita niya.

Pero matagal na raw pala silang magkakilala at ngayon daw ay madalas silang magkasama at aniya “getting to know each other more” sila.

Bukod dito ay na-link din siya sa anak ni PBBM na si Ilocos Sur representative Sandro Marcos nang makita silang magkasama sa isang event.

Itinanggi naman ito ng dalaga at tinawanan lamang daw nila ang mga nang-iintriga at naglagay ng malisya sa kanila.

“Hindi po iyon totoo at all. Tawang-tawa nga po kami. Nalagyan lang po ng malisya dahil na-slowmo, nalagyan ng music,” sey ng bida sa isang lumabas na interview.

Hindi nagpapaapekto si Yassi sa mga intriga at mas tutok siya ngayon sa kanyang serye kung saan bida rin si Ruru Madrid. Pinaghahandaan niya ito kung saan mukhang marami siyang maaaksyong eksena.

“Nag-train po kami ng motorcycle training again and motocross training na sinimulan ko po noong pandemic. ‘Yung usual po na ginagawa ko is Muay Thai so kapag nagkakaroon po ng oras, nagte-train din po kami for that,” aniya.

Samantala, siguradong nakaabang ang fans sa lovelife ni Yassi at kung ang gobernador na ang susunod niyang karelasyon. Bongga.

Show comments