^

Pang Movies

Yasmien, may sorpresa sa nanay na may sakit

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Yasmien, may sorpresa sa nanay na may sakit
Yasmien at Nanay

Emosyonal si Yasmien Kurdi nang pag-usapan ang nanay niyang kasaluku­yang may kidney problem na dating OFW. Labas-pasok na pala ito sa ospital dahil sa pagpapa-dialysis. “It was really hard lalo na ‘yung mga nag-aalaga diyan na may mga kidney problem na parents. Talagang sacrifice siya. Kailangang maglaan ka ng schedules in the week para lang doon dahil lifeline na nila ‘yon,” sey ng aktres.

Kaya naman para mabantayan ang inang may sakit ay kasama niya na ito ngayon.

May sorpresa rin ang aktres sa nanay na bagong bahay na katabi lang ng kanilang bahay ng mister na si Rey Soldevilla pero hindi pa raw nito nakikita.

Hindi madali ang pinagdaraanan ni Yasmien kaya sa kanyang mag-ama niya siya kumukuha ng lakas upang malagpasan ang mga pagsubok.

Inaalay raw niya ang kasalukuyang seryeng pinagbibidahan na The Missing Husband sa ina.

Sa totoo lang, hindi naman talaga madali ang magpa-dialysis.

Relate much ako dyan dahil alam n’yo naman mahigit isang taon na akong nagda-dialysis.

Carla, mas emosyonal sa pagkamatay ng aso

Naiyak naman ako nang mabasa ko ang nangyari sa dog ni Carla Abellana. Talagang maisip ko lang parang ang bigat ‘pag si Jokjok ang magkasakit o mawala.

Hay naku, magiging incommunicado ako for a while dahil talagang hindi muna ako makikipag-usap.

Hay naku relate na relate ako kay Carla ha. Siguro kaya naging sobra siyang emotional sa case nila ni Tom Rodriguez dahil na rin nga may pinagdaraanan siyang sakit sa dibdib.

Ewan ko ha, kung alin ang mas masakit kay Carla, ‘yung breakup nila ni Tom o ‘yung pagkamatay ng dog niya.

YASMIEN KURDI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with