Ibang komedyante nakalimutang parangalan?!

Dolphy

Nakatutuwa na pararangalan ng FDCP (Film Development Council of the Philippines) ang mga nagpahalakhak sa mga Pilipino sa pangunguna ng Comedy King na si Dolphy.

Si Mang Dolphy noong kanyang kapanahunan ay isa rin sa pinaka-malaking box office star, kaya nga may panahong nagkaroon ng kasunduan sina Mang Dolphy at Fernando Poe Jr. na hindi sila magsasabay na gumawa ng pelikula sa Film Festival, dahil nagkakaagawan lang sila ng audience at lumiliit ang kita nila dahil nahahati ang mga manonood.

At hindi lang masasabing magaling magpatawa si Mang Dolphy, ilang ulit din naman siyang nanalong Best Actor.

Pero ang nakalulungkot na pangyayari hanggang sa yumao si Mang Dolphy ay hindi siya nahirang na National Artist, dahil nagkaroon ng objections sa kanya ang ilan dahil ginawa raw niyang katatawanan ang mga bakla sa mga pelikula niyang Facifica Falayfay at Fefita Fofonggay.

Ngayon tingnan ninyo, pati nga Diyos ginagawang katatawanan ng mga bakla, pero ayaw nilang mapagtatawanan sila.

Si Mang Dolphy, ginawa lang ang kanyang role bilang mahusay na actor pero pinagdamutan siya pagkilala dahil dun. Kinalimutan ang kanyang kontribusyon sa industriya ng pelikula at sining.

Bukod kay Mang Dolphy, pararangalan din ng FDCP sina Michael V., Vice Ganda, at Eugene Domingo.

Pero bakit walang parangal si Chiquito, na number two kay Mang Dolphy noong kanyang panahon? O kaya ay sina Pugo at Chiquito? At iba pa?

Paolo at Marco, naghihilahan

May panahong laging laman ng balita at nagkalat ang mga papuri kay Paolo Gumabao. Lalo na nang manalo siyang best actor para sa unang pelikula lamang na kanyang ginawa sa isang maliit na film festival sa San Francisco.

Panay kantiyaw ang inabot ni Marco Gumabao na kapatid niya sa ama na tila bumagal ang takbo ng career dahil maling proyekto ang nasamahan tulad nung itambal siya kay Sharon Cuneta na hindi naman pumatok.

Ang kaibahan lang nilang magkapatid, si Paolo ay madalas na mga bold film ang ginagawa.

Si Marco parang namimili na dahil gusto rin niyang pangalagaan ang career at relasyon kay Cristine Reyes na ‘di hamak na mas matanda sa kanya.

Naku sana naman ay ‘wag silang maghilahan, pababa…

Ibang direktor napagod na sa paggawa ng hubaran

May napansin ako na may ginagawang mga pelikula ngayon ang batikang direktor na si Jose Javier Reyes para sa Vivamax na mga seksing artistang babae ang bida. Nagbabalik na sila sa normal tulad noon na mga babae ang bida.

May panahon kasing parang mga gay porno na ang ginagawa ng ibang direktor. Mga lalaki ang pinghuhubad sa pelikula.

Lalo na ‘yung mga baguhan director na talagang parang wala na sa ayos ang mga ginagawang pelikula.

Sino ba ang manonood ng ganoong kahalayan sa pelikula?

Show comments