GMA, walang slot kay Willie Revillame
MANILA, Philippines — Masaya si Ms. Annette Gozon-Valdes, Senior Vice President of GMA Network and President and CEO of GMA Films, sa itinatakbo ng programang Eat Bulaga.
At inulit niya na wala talaga silang kinalaman sa production nito.
“Okay naman ‘yung performance nila, lumalaban naman. Masaya naman ‘yung show,” pahayag ni Ms. Annette sa isang lunch chikahan kahapon.
“So ‘yun nga, sinasabi ko, wala naman kaming kinalaman talaga sa production, pero syempre masaya kami pag nagre-rate sila,” dagdag pa ni Ms. Annette.
Hanggang 2024 pa ang kontrata ng TAPE Inc., producer ng Eat Bulaga sa GMA 7 pero ngayon pa lang ay iniintriga na itong hindi na sila ire-renew at magpo-produce na lang sariling noontime show ang GMA.
“Parang ang layo pa mag-e-end… ‘yung current contract nila is ending end of next year pa. Ang tagal pa ng panahon na ‘yon. Ang dami pang pwedeng mangyari.”
Sinagot din ni Ms. Annette ang tungkol sa sinasabi na may chance si Willie na bumalik sa GMA 7. “Kasi as of now, wala kaming available timeslot talaga. Kasi ‘di ba dati nandun siya sa slot before 24 Oras, magbabalik na ‘yung Family Feud. Binili na namin kasi ulit ‘yung franchise. As of now, wala talaga kaming available timeslot,” malinaw na paliwanag pa ni Ms. Annette na pumayat ng 40 pounds dahil sa GMA Gala.
Ngayon daw ay hindi na strict ang diet niya.
Awra, nag-feeling superstar
May future pa ba ang career ni Awra Briguela?
Kinasuhan pala ulit siya sa Makati Prosecutor’s Office dahil pa rin sa naganap na rambulan noong Hunyo 29 sa isang KTV bar sa Poblacion, Makati.
Mga kasong light threats, grave coercion at paglabag sa Safe Spaces Act ang mga bagong kasong isinampal kay Awra.
Nauna na siyang kinasuhan ng slight physical injuries at simple disobedience to a person in authority.
Nakabayad siya ng piyansa na P6,000 kaya pansalamantala siyang nakalaya.
Maaalala ngang nasangkot si Awra sa rambulan na nung una ay lumalabas pa na wala siyang kasalanan.
Pero kumalat ang mga video sa totoong pangyayayari sa labas ng The Bolthole Bar sa Poblacion.
Ayon sa complainant, gusto ni Awra na paghubarin ang lalaking napagtripan nila ng pantalon nito, ngunit nang tumanggi ito, nagalit ang komedyante.
Lumabas ng bar ang grupo pero sinundan ng grupo ni Awra na sinubukang pigilan ng mga bouncer. Doon naganap ang rambulan.
Nauna nang sinabi ng Makati City Police na sinubukan ng mga pulis na kausapin si Awra ngunit sinalubong sila ng mga pagmumura at hindi ito nakinig sa mga awtoridad.
Iba naman ang sinabi ng kaibigan ni Briguela na sinubukan siyang ipagtanggol nito matapos siyang bastusin ng lalaki pero itinanggi naman ito ng bouncer ng bar.
- Latest