Cassy at Kyline, may away?!

Kyline at Cassy

MANILA, Philippines — Hindi raw pala friends sina Cassy Legaspi at Kyline Alcantara ito ay pagkatapos lumabas ang balitang nag-unfollow-han sila sa Instagram. Nakakagulat nga naman talaga dahil inakala nating close ang dalawa lalo na at girlfriend ni Mavy Legaspi na kakambal ni Cassy si Kyline.

Magkasama rin sina Kyline at Cassy sa All-Out Sundays at nakikita sila sa mga larawan at videos na magkasama with other Kapuso stars na masaya at nagtatawanan. Tapos heto, malalaman nating nag-unfollow-han sila.

Ang nabasa namin, blinock ni Cassy si Kyline at automatic na mawawala si Cassy sa followers ni Kyline. Wala raw unfollow-han, blinock si Kyline ni Cassy, kung bakit, ‘yun ang aalamin ng mga Marites at malalaman din natin.

Nalungkot ang fans nina Kyline at Mavy sa balitang ito at umaasa silang hindi makakaapekto sa relasyon nina Mavy at Kyline ang isyu sa kapatid at sa GF. Ano kaya ang masasabi nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi rito?

Marian, bagong reyna ng tiktok

May second TikTok dance entry na si Marian Rivera and this time at mas mahaba ang sayaw niya kesa una niyang dance video. Ang song ng Burna Boy na It’s Plenty ang ginamit ni Marian sa kanyang sayaw at tila mas mahirap gayahin ang steps.

Except for the cap na white na may black, black t-shirt at black sweatpants ang suot ni Marian at makikitang enjoy pa rin siya sa pagsasayaw. Mukhang every week, may ilalabas na dance video sa TikTok si Marian dahil nag-i-enjoy ang kanyang fans.

After one hour, may more than 3 million views na ang new dance video ni Ma­rian and less than three hours, may 6.5 million views at sumasabay sa pagtaas ang followers ni Marian sa TikTok. Ang first dance video ni Marian ay may 82 million views na at tumataas pa.

Speaking of Marian, inaabangan na rin ng kanyang fans ang airing ng balik-teleserye niyang Against All Odds katambal si Gabby Concepcion. Sa direction ni Zig Dulay, may halong alien factor ang story nito na kaaaliwan ng viewers.

Show comments