Kelan kaya ipalalabas sa Pilipinas ang pelikulang nagpanalo ng Best Actor kay John Lloyd Cruz sa Locarno Film Festival sa Switzerland?
Ito ang pelikulang Essential Truths of the Lake na obra ni Direk Lav Diaz.
May nabasa akong synopsis na tinalakay nito ang ang buhay ng pulis na si Hermes Papauran, isa sa mga pinakamahusay na imbestigador ng Pilipinas na patuloy na naghahanap ng katotohanan.
At nang tanungin kung ano ang nagtutulak sa isang tao na hanapin ang katotohanan, malungkot na sinabi ni Papauran na baka gusto lang niyang patuloy na pasakitan ang kanyang sarili.
Ito ay konektado sa mga nababalita noong madugong mga pagpaslang sa nakalipas na administrayon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipinapagpatuloy ng imbestigador ang kanyang pakikibaka upang mahanap ang solusyon sa isang 15-taong-gulang na kaso sa paligid ng isang bulkan.
Malalim ang mga kuwento ng pelikula ni Direk Lav.
Karaniwan ding inaabot ng kung ilang oras ang mga pelikula ng award winning director na sumikat sa tinatawag nilang ‘slow cinema’ dahil walang masyadong galaw ang camera, mabagal ang mga pangyayari, mahaba ang kuwento etc.
Maraming natuwa sa panalo ni John Lloyd sa Switzerland pero wala ngang nakaakalam kung saan at kelan ito mapapanood sa Pilipinas.
Anyway, aside from John Lloyd bida rin sa pelikula si Shaina Magdayao.
Dumalo rin ang actress sa Locarno Filmfest.
Former couple sina John Lloyd and Shaina na grabe ang naging isyu noong maghiwalay sila.
Kim, may youth day treat
Bidang-bida ang mga chikiting sa Youth Day concert experience mula kina Kim Chiu at Isip Bata kids, at marami pang iba sa ASAP Natin ‘To na mapapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Damang-dama rin ang init sa birthday pasabog ni Chie Filomeno kasama sina Jameson Blake, Joao Constancia, at Edward Barber, habang may back-to-back hatawan din sina AC Bonifacio at OG dance idol Shaina Magdayao.
Todo-todo muli ang P-Pop vibes sa ASAP stage sa total collab nina Darren, AC, at Kyle Echarri kasama ang PLUUS, Calista, at 1st.One. May senti kantahan naman sina Ogie at Erik Santos kasabay sina Anji Salvacion, Kice, Angela Ken, at Jeremy G.
Abangan din ang pinaka-fresh na performances on stage, tampok ang rakrakan session ng bandang LILY, bagong single act ni Khimo Gumatay, at nakakakilig na duet mula sa Third World Romance stars na sina Carlo Aquino at Charlie Dizon.
Balikan din ang musika ni Elton John sa all-champions medley tapatan nina Morissette, Jona, Jed Madela, Klarisse de Guzman, ANNRAIN, Fana, Khimo, JM Yosures, Sam Mangubat, Sheena Belarmino, Katrina Velarde, Lyka Estrella, Marielle Montellano, Bituin Escalante, Lara Maigue, at Angeline Quinto.
Sanib-pwersa muli sina Coach Bamboo at The Voice Kids Season 5 winner na si Shane Bernabe para sa kanilang collab performance kasama si Coach Martin, habang hindi rin pahuhuli ang matinding biritan nina Morissette at Asia’s Songbird Regine Velasquez.