Naghihintay at naghahanap ng kidney donor si Yasmien Kurdi para sa ina niyang may kidney problem. Habang wala pang nakikitang donor, tuloy muna ang pagpapa-dialysis ng Mommy Miriam ni Yasmien.
Na-confine sa National Kidney and Transplant Insitute ang mom niya, pero nakalabas na ito ng hospital. Pinasalamatan niya ang mga doctor at nurses na nag-alaga sa mom niya habang nasa NKTI. Hindi na dinetalye ni Yasmien kung ilang beses in one week magda-dialysis ang mom niya.
Samantala, muling mapapanood si Yasmien sa afternoon time slot ng GMA 7 programming dahil sa Aug. 28, na ang premiere ng The Missing Husband. Marami ang makaka-relate sa story ng series na ito tungkol sa scamming dahil marami ang biktima ng scamming. Marami ring scammers na manonood nito for sure at makaka-relate rin sila.
Career ni rob, nasira sa isyu ng sakitan sa ina ng anak
Nakakaloka ang ibang RobLen fans nina Rob Gomez at Herlene Budol dahil si Shaila Rebortera pa ang sinisisi sa nangyari kina Rob at Shaila na ina ng anak ni Rob. Kahit walang alam sa nangyari kina Shaila at Rob, inunahan na ang pagsasalita.
Selosa lang daw si Shaila at dapat daw pinatapos muna niya ang Magandang Dilag bago niya inilabas na may anak sila ni Rob. Sinabihan pa si Shaila na ginamit ang baby nila ni Rob, kung may usapan daw sila ni Rob dapat sinunod niya para walang ganitong gulo ngayon.
Pati ang pagkakaroon ng mga pasa ni Shaila, kasalanan daw nito, baka raw na-provoke niya si Rob. Hindi rin naniniwala ang netizen na sinaktan ni Rob si Shaila dahil kung physical abuse ang nangyari, hindi lang mga pasa sa braso ang natanggap ni Shaila. Nasira raw ang career ni Rob sa ginawa ni Shaila.
Nagalit ang netizens na obvious na RobLen fans, kahit daw may kasalanan si Shaila, mali pa rin na sinaktan siya at kahit mga pasa lang sa braso ang nakita sa kanya, physical abuse pa rin ang tawag doon.
Hanggang ngayon, hindi pa tapos ang isyung ito at hindi maiwasang madamay si Herlene dahil sa magkatambal sila ni Rob sa Magandang Dilag.