Ang mommy ni Rob Gomez, si dating actress Kate Gomez na ang umamin na may anak na si Rob sa ka-live nitong si Miss Multinational Philippines 2021 Shaila Rebortera.
Nagsimula ang issue, matapos mag-guest si Rob sa Fast Talk with Boy Abunda at sinabing single pa siya pero happy ang kanyang lovelife.
Hindi ito nagustuhan ni Shaila, kaya last Aug. 4, umamin siya sa kanyang Facebook account na may anak na sila ni Rob – ang eight-month-old daughter nilang si Amelia.
Inamin ni Kate na gusto ni Shaila na mag-post si Rob sa sariling socmed account nito ng happy family picture, at doon daw medyo sila naguluhan dahil sinabihan silang huwag muna.
Pero nanindigan si Kate na hindi totoong itinatago ni Rob sa publiko ang pagkakaroon niya ng girlfriend at anak, dahil sa ospital daw, sa mga checkup sa doctor, kahit sa bakasyon, magkakasama sila, hindi niya itinatago.
Ayon pa rin kay Kate, inalok agad ni Rob ng kasal si Shaila nang magdalangtao, kaya lamang hindi natuloy ang pagpapakasal dahil namatay ang father-in-law niya na isang pure Chinese at kailangan nilang sundin ang Chinese tradition na bawal silang magpakasal, mag-celebrate ng birthdays at bawal ding magsuot ng pula.
That time rin si Shaila pa ang bagong crown na Miss Multinational Ph. Nalungkot si Kate nang nagpasya si Shaila na makipaghiwalay kay Rob last Monday, Aug. 7. Tanggap na tanggap daw ng family nila si Shaila, at anumang oras, pwedeng-pwedeng bumalik sa kanila ang mag-inang Shaila at Amelia.
Si Rob ay napapanood daily sa Magandang Dilag with Herlene Budol and Benjamin Alves.
Barbie at David, tuhog sa serye at pelikula
Nagpakita na ang Sparkle GMA Artist Center ng latest photo nina Barbie Forteza at David Licauco para sa upcoming series nilang Maging Sino Ka Man. Totally contrasting ang looks nila dito sa dati nilang characters sa fantasy historical portal series nilang Maria Clara at Ibarra. Ibang-iba rin ang suot na damit ni Barbie at si Pambansang Ginoo naman ay naka-all-khaki look at may suot pa siyang earring.
Barbie will play the role of Monique na ginampanan noon ni Sharon Cuneta. And David will play the role of Carding na unang ginampanan ni Robin Padilla. At makikita sa lumabas na video na first meeting iyon nina Monique at Carding sa isang dance hall.
Mapapanood ito sa primetime slot ng GMA 7.
Bukod sa bagong series ng BarDa, may upcoming movie sila, titled That Kind of Love, na partly shot in South Korea.
Ryan bang, mas bet katambal ang top exec ng GMA na si Ms. Annette
Very entertaining ang episode ng Fast Talk with Boy Abunda last Tuesday, na special guest ni Boy ang mga It’s Showtime hosts na sina Jhong Hilario and Korean comedian Ryan Bang na laging sumasagot ng funny, unexpected answers sa mga tanong ni Boy.
Isa nga sa nagpahalakhak sa lahat ay nang tanungin si Ryan kung sino ang gusto niyang makatambal kapag gumawa siya ng project sa GMA 7, sagot niya “si Annette Gozon.”
Mukha raw kasing Korean si Ms. Annette, kaya bagay silang dalawa.