Hanga ako sa respeto ni Marc Leviste kay Kris Aquino.
Talagang kahit pa nga parang hindi sineryoso ni Kris ang kanilang maikling relasyon wala kang narinig na nega sa mga pahayag ni Marc.
Nandun pa rin iyon pagmamahal at respeto niya.
Gusto ko pa naman na sana magkatuluyan at maging partner forever sina Marc at Kris. Na sana matured na sila emotionally sa haharaping buhay kung sakali.
Dahil mukha naman maganda ang samahan nila kahit sa mga anak nila.
Gustung-gusto si Marc ng magkapatid na Joshua at Bimby. At type naman ni Kris ang mga anak ni Marc. Ideal na sana ang dalawa lalo pa nga at lagi naman nasa tabi ni Kris si Marc.
Hay naku, talagang hindi mo mahulaan ang journey ng isang tao. Kaya naman wish na lang natin na maging maganda sana ang dulo ng journey nila at sa ending matagpuan pa rin nila ang eternal love para sa kanilang sarili.
Sana nga ay matupad ang wish ko na ito sa kanila dahil mabubuti rin naman silang tao.