Sunod-sunod ang magagandang balita ng kasalan at engagement lately sa showbiz.
Aside from Lovi Poe’s engagement with British boyfriend Monty Blencowe, engaged na rin pala ang bunsong anak nina Gary Valenciano and Angeli Pangilinan na si Kiana Valenciano sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Sandro.
Nag-post si Mr. Pure Energy ng larawan nila ni Kiana at dito ay makikita ang suot na engagement ring ng dalaga.
“Friends? Ladies and gentlemen? Brothers and sisters? My beautiful
forever-princess’ ring says it all.
“I love you @kianavee !!! Am so happy for you
“So much I want to tell you Kiana…but I think I will save that for a day when you and I can just sit and talk….just you and I before the big day arrives and the wedding bells toll. My heart tugs but not with sadness my dearest princess…but with the joy of the Lord for how He has orchestrated your life…and how He will continue to do so.
“I’m thankful for the young man the Lord allowed to find you. Love you too @senditdro … what a joy it is to have you in the V family,” ang caption ni Gary V.
Vice, pinasalamatan si Anne sa 15m followers
Si Vice Ganda ang kauna-unahang Pilipino na umabot sa 15 million followers sa X (formerly Twitter).
Inanunsyo ito ng mga co-hosts ng Unkabogable Star sa “It’s Showtime” at may pa-bulaklak pa sila kay Vice Ganda bilang pagbati.
Masayang-masaya naman si Meme sa kanyang bagong achievement na sa kabila ng katakot-takot na batikos sa kanya lately ay mas dumami pa ang kanyang followers.
“Mas marami pa ‘yung nag-follow talaga. Sa lahat nang mga naganap, mas dumagsa pa ang followers ko. Maraming salamat talaga,” masaya pa niyang sey.
“Seriously maraming-maraming salamat sa aking mga Twitter followers. Ang dami niyo na, 15 million. Nakakatuwa ‘yung first Filipino to have 15 million followers on Twitter, now X,” aniya.
Pinasalamatan din niya ang co-host na si Anne Curtis na siyang nag-convince raw sa kanya na gumawa ng Twitter account.
“Kasi dati, hindi pa masyadong malala ang social media ay Facebook Queen na ako. Ako ‘yung ever first Filipino naman to reach 1 million followers sa Facebook.
“Tapos si Anne nagti-Twitter siya, sabi niya, ‘mag-Twitter ka.’ Sabi ko, ‘Ayaw ko pang-sosyal lang ‘yan, saka masyadong nakakaartista.’ Tapos ngayon mayroon na tayong 15 million. aniya.