^

Pang Movies

Dawn, inaming magiging madalas na sa Amerika

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Dawn, inaming magiging madalas na sa Amerika
Dawn Zulueta at Anton Lagdameo

Ayan, dahil sa mga gumagawa ng kung anu-anong tsismis na kesyo naglayas si Dawn Zulueta at iniwan ang kanyang asawang si Special Assistant to the President Anton Lagdameo dahil nalaman daw ng aktres na may babae iyon, ngayon ay naglabas ng picture si Dawn na magksama pa rin sila ni Secretary Anton Lagdameo.

Ang totoo raw kaya umalis si Dawn kasama ang anak na si Ayisha at nagtungo sa US ay dahil nakakuha ng valley scholarship si Ayisha doon.

Alangan namang pabayaan ni Dawn ang kanyang anak na babae.

Muli pa rin daw aalis si Dawn para i-enroll naman ang anak niyang lalaki si Jacobo na magka-college sa US.

Sasamahan naman daw niya roon si Jacobo hanggang sa makapag-enroll iyon at makakuha ng titirahan niya habang nag-aaral sa US.

Sinabi rin daw ni Dawn na every now and then ay magtutungo na siya sa US para masubaybayan ang mag-aaral na anak.

Career ni Liza sa Hollywood, tunaw na agad sa pagkahuli sa manager na Korean

Sabi na nga ba eh hopia ang ambisyon ni Liza Soberano na maging isang Hollywood star.

Papaano pa iyon mangyayari eh hinuli na ng BID ang koreanong si Jeffrey Oh, na wala pala namang lisensiya na mag-negosyo sa ating bansa.

Ibig sabihin pati ang mga kontratang pinirmahan niya at ni Liza ay walang bisa.

Dinala siya sa BID para magpaliwanag sa mga akusasyon sa kanya, at nalamang sa hindi ay sumailalim ito sa deportation proceedings.

Paano na ang pag-aartista ni Liza Soberano sa Hollywood, at ang career ni James Reid bilang singer sa Korea?

Jak, tinatawanan lang si David

Nakakatawa, habang nagta-trying hard para makakuha ng support para sa kanilang love team, mukhang hindi naman affected ang tunay na boyfriend ni Barbie Forteza na si Jak Roberto. Bakit nga naman hindi eh maging ang mga magulang ni Barbie alam na si Jak ang kanyang boyfriend.

Iba na ang fans ngayon. Hindi na basta maniniwala sa mga loveteam. Nasusundan nila ang mga artista at nalalaman nila ang totoo. Para silang CCTV sa loob ng bahay ng mga artista.

Kaya ngayon nagkakatuksuhan na nagtatag si Jak ng Jak Roberto University, at doon ay nagtuturo sila kung papaano maiiwasan ang pagseselos ng isang tao.

Ibig sabihin ni Jak, hindi siya affected sa mga lumalabas tungkol kina David at Barbie.

Siguro binibigyan din din siya ng assurance ni Barbie na talagang love team lang si David at sa totoong buhay ay sila pa rin.

Sabi ng isang critic, talaga naman daw walang dapat ika-insecure si Jak kay David. Kung si Rayver Cruz pa iyan, baka sakali pa.

Marami na rin namang mas guwapo na nanligaw kay Barbie, pero si Jak nga ang kanyang napili.

Male starlet na pumatol sa matrona, nakakapasada pa sa bading

Ang nanligaw sa male staret ay isang male contest organizer, kaya pala napakadalas na kung hindi siya ang host ay judge sa mga contest noon.

Pero nagkaroon ng sudden turn, kasi nakilala ang male starlet ng contest organizer at nagustuhan din iyon.

Sinulot ng matrona ang male starlet sa kanyang boyfriend na binili agad ng isang European car, natural pumatol na lang sa matrona. Mas madatung ang matrona at kahit na ano pa ang sabihin babae pa rin iyon kahit na halos lola na niya.

Pero sige pa rin siya sa carfun na sideline niya sa mga bading, after all sinaasabi naman niyang kaunting effort lang ang kailangan sa matrona, kaya nakakapasada pa siya ng mga bading.

DAWN ZULUETA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with