^

Pang Movies

Andrea, ayaw siraan ang mga ex

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Andrea, ayaw siraan ang mga ex
Andrea

Hindi raw malaking issue kay Andrea Torres kung magiging kaibigan niya ang kanyang mga naging ex-boyfriend.

Gusto lang daw ng Kapuso actress na maging magaan ang kanyang kalooban. Ayaw rin daw niyang dalhin habang buhay ang anumang negativity.

“Hindi naman ako naniniwala na dahil hindi kayo nag-work, kailangan magkagalit na kayo, kasi may times sa buhay ninyo na prinotektahan ninyo ‘yung isa’t isa, minahal n’yo ‘yung isa’t isa pati mga family ninyo. Kahit may cheating, hindi ako gagawa ng bagay na ikasisira ng ex ko,” sey ni Andrea.

Kabilang sa naging ex-boyfriend daw ni Andrea ay ang komedyanteng si Sef Cadayona. Pareho silang nasa cast ng upcoming teleserye na Love Before Sunrise na bida sina Dennis Trillo at Bea Alonzo.

Kuwento niya, wala raw silang masyadong eksena ni Sef at wala hindi raw sila nagkailangan sa set ng teleserye. “Dalawa pa lang yata ‘yung eksena namin. Sobrang normal lang kami ni Sef. Minsan nga parang iba na lang ‘yung gumagawa ng issue pero kami parang, ‘Ay parang wala naman.’ Wala kaming ilangan,” paniguro pa niya.

Pinoy rapper EZ Mil, naka-collab si Eminem

Grateful ang Filipino-American rapper na si Ez Mil matapos ang collaboration nila ng idolo niyang si Eminem para sa bago niyang track na Realest.

Surreal nga raw ang feeling na natupad ang dream niyang naka-collab si Eminem.

Sa kantang Realest, ibinahagi ni Ez Mil ang tungkol sa pagsisimula ng kanyang career at mga tagumpay sa hinaharap, habang nagbitaw naman si Eminem ng isang powerful verse tungkol sa pagbangon mula sa mga kritisismo at ang pagpapatuloy bilang isang artist.

Sinabi ni Ez Mil na malaki ang kanyang pasasalamat sa oportunidad, at honored siyang maka-collab ang Grammy and Oscar-winning American rapper.

Hiling ni Ez Mil na masilayan pa sana ng buong mundo ang galing ng musikang Pinoy.

“Keep going. Ipagpatuloy mo lang. Huwag mong susukuan ang pangarap mo, kaya mo ‘yan, kaya natin ‘to,” sabi ni Ez Mil.

Si Ez Mil, na si Ezekiel Miller sa tunay na buhay, ay ipinanganak sa Olongapo pero nakabase na siya ngayon sa Las Vegas, Nevada.

Kylie Jenner, pinagsisihan ang pagpapalaki ng boobs!

Pinagsisisihan na raw ng reality star na si Kylie Jenner ang pagpapalaki niya ng kanyang boobs.

Inamin ni Kylie na she was 19 noong sumailalim siya sa breast augmentation noong 2017.

“I had beautiful breasts, like natural tits, just gorgeous, like perfect size, perfect everything, and I just wished, obviously, I never got them done to begin with,” sey ni Kylie.

Nagbigay siya ng advice sa mga gustong magpalaki ng boobs: “Wait until after you have children.”

Nagpalaki nga raw ng kanyang boobs si Kylie bago siya mabuntis at isilang ang unang baby niya na si Stormi. Sana raw ay huwag siyang tularan ng kanyang daughter.

“I got my breasts done before Stormi. Within six months of like having Stormi, not thinking I would like have a child when I was 20, like they were still healing. I would be heartbroken if she wanted to get her body done at 19. I just I wish I could like be her and do it all differently, because I wouldn’t touch anything.”

ANDREA TORRES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with