^

Pang Movies

Bong naka-50 years na sa showbiz

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Bong naka-50 years na sa showbiz
Bong Revilla

Naka 50 years na pala sa showbiz si Bong Revilla.

Ang una niyang pasok sa pelikula, talagang batang-bata pa siya sa pelikula ng tatay niyang si Ramon Revilla Sr. na talagang gusto silang mga anak niya na sumunod sa yapak nito bilang actor.

Hanggang ngayon ay talagang very thankful si Bong na tinatangkilik siya ng followers niya kahit ano pa pasukin niya.

Kasi nga naging napakabait at professional niya sa trabaho.

Kaya naman hangga ngayon andun pa rin siya taas bilang isang actor.

At talagang tuwang-tuwa siya sa mataas na rating ng kanyang mga project sa TV, ang Walang Matinik na Pulis na sa Matigas na Misis na napapanood tuwing Linggo ng gabi.

Pero magkakaroon sila ng season break at sa early next year na sila babalik.

Samantala, sa pagbati ni Bong sa pagsalubong sa Buwan ng Wikang Pambansa!

Ang selebrasyong ito nga naman ay nagpapaalala sa atin na ang wika ay daan sa pagpapahayag ng ating damdamin at ating mga pagpapahalaga.

Ayon kay Bong, ang wikang Filipino ang pundasyon ng ating pagkaka­kilanlan at mayamang kultura.

Magsilbing inspirasyon din aniya ito upang mas mapalaganap at mahalin pa natin ang ating mga katutubong wika.

Bongga.

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with