Kylie, itinali ang anak habang namamasyal

Kylie at mga anak
STAR/ File

Six years old na pala ang panganay na anak ni Kylie Padilla sa ex na si Aljur Abrenica na si Alas.

Naghanda ng simpleng sorpresa si Kylie para sa anak.

Ipinost ng aktres ang video sa social media kung saan nag-e-enjoy si Alas sa kanyang Godzilla-themed birthday cake at cupcakes kasama ang little brother niyang si Axl Romeo.

Simple lang din ang caption ng anak ni Robin Padilla, “08.04.23 we love you kuya.”

Kamakailan ay pumunta ang mag-iina sa Japan at base sa kanilang photos ay lutang ang saya ng mga bata. Ibinahagi ito ni Kylie sa kanyang mga post kung saan pumunta sila sa Tokyo Disneyland and Universal Studios Japan.

Kaya naman marami ang humangang netizens sa aktres dahil hindi ito nawawalan ng oras sa mga anak at makikita sa mga litrato na hindi madali ang pagiging single mom niya pero kinakaya niya. Makikita rin na dahil siguro nag-aalala siyang mawala ang mga anak ay may dala pa itong child leash para hindi ito mawala sa kanyang paningin.

Marami ang naka-relate na mga mommy at single moms kay Kylie at pinuri siya na kahit abala sa trabaho ay nagagawa nitong ipasyal ang mga anak. Bongga.

Show comments