Buboy, luray sa bashers!
Tsinek namin ang Instagram ni Buboy Villar at grabe ang galit sa kanya ng tao dahil sa pag-alis niya ng mikropono sa isang ale na nanalo sa segment nila ni Isko Moreno sa Eat Bulaga at binanggit sina Tito at Vic Sotto. Hindi na narinig on air ang pangalan ni Joey de Leon dahil inalisan nga siya ng mikropono ni Buboy.
Grabe ang galit ng tao kay Buboy, tinawag siyang basura, walang modo, bastos, unano, walang respeto. mukhang kulogo, sipsip at may nagmura pa sa kanya. May paulit-ulit pang nagsabi na “fake bulaga” silang mga host ng EB.
Paulit-ulit din ang pagtawag sa grupo nila na “fake bulaga” at kinantyawan pa siya na dahil sa pagsipsip niya sa mga Jalosjos, siguradong may bago na namang siyang kotse na regalo ng mga Jalosjos.
Pati sa ibang post niya, extended ang galit ng tao sa kanya at may parang bata na nag-comment na panget na nga raw ito, panget pa ang ugali. ‘Yung isa naman, ang sabi, kahit sa camera, mukha siyang adik. Ang payo naman ng isa, gayahin ni Buboy si Isko Moreno na nagagawang i-divert nang maayos kapag may nagbabanggit ng TVJ.
Tito Sen, sumagot sa trademark!
May reaction si Tito Sotto sa pagre-renew ng TAPE Inc., sa Eat Bulaga at sa balitang ang TAPE Inc., ang may-ari ng Eat Bulaga trademark. Ten years ang validity ng ownership, kaya hanggang 2033, ang TAPE Inc., ang may karapatan sa title.
Dito nagsalita si Tito at nanindigang ang TVJ ang tunay na nagmamay-ari ng title na Eat Bulaga.
“Trademark but not COPYRIGHT. Copyright ang amin. Magsawa sila sa trademark basta amin ang copyright,” ayon ito kay Tito.
Naging daan na namang ang usaping ito para magbardagulan ang maka-TVJ at maka-Eat Bulaga ng Jalosjos. Kanya-kanyang parinigan ang dalawang kampo na mabuti na lang, sa online lang nagbabardagulan dahil kung sa personal, may nag-umbagan na sigurado.
In fairness, hindi niya dine-delete ang hate comments sa kanya, kaya nababasa ng mga bumibisita sa IG niya. Ang maganda lang, kahit naba-bash at maraming galit, tuloy ang blessings kay Buboy. Marami siyang projects at isa na ang TV series nina Gabby Concepcion at Marian Rivera na Against All Odds at nasa Bubble Gang pa pala siya.
Robi, emosyonal!
Ang fiancee ni Robi Domingo na si Maiqui Pineda ang nag-announce na may rare autoimmune disease siya sa kanyang vlog. Dinetalye nito kung paano niya nalaman ang kanyang sakit at kung paano siya ginagamot.
Kaya emotional si Robi sa contract signing niya sa ABS-CBN dahil naisip ang fiance. Ang payo sa engaged couple, ‘wag muna silang magpakasal at mag-focus muna si Maiqui sa pagpapagaling. Added stress daw ang wedding planning and preparation at dapat, hindi siya mai-stress at mapapagod.
Sa mga comment ng netizens, may nagsabing ang pagdami ng mga may autoimmune disease ay epekto ng vaccine effect at comment pa ng isang netizen, ang COVID infection activates autoimmune disease.
Anuman ang cause ng naging sakit niya, i-wish natin ang kanyang paggaling para matupad ang mga pangarap at plano nila ni Robi na magkasama habangbuhay.
- Latest