Bea, naka-relate sa mga kontesera

Bea
STAR/ File

Nakaka-relate si Bea Alonzo sa kanyang mga mine-mentor na talents sa Battle of the Judges dahil minsan din niyang nasubukan na maging isang kontesera.

Kinuwento ni Bea na 13 years old siya noong ma­diskubre siya ng fashion designer na si Oscar Peralta at ng dating manager niyang si Archie Ilagan. Dahil malaking bulas siya, sinali siya sa Miss Pasig noong 2001. At ilang pageants pa ang sinalihan niya bago siya maging artista noong 2002.

“I know how it feels to be a contestant. I tried beauty contests before, that’s how I was discovered so alam ko ‘yung hirap, alam ko ‘yung pakiramdam ng talunan. Siyempre, not all the time you will win, right?

“Alam ko ‘yung pakiramdam na kailangan mong i-dedicate ‘yung oras at energy at panahon mo para sa ibang bagay you truly love so habang ginagawa ko ‘tong Battle of the Judges, nare-remind ako of the past, of my roots, where I came from, and why I’m doing this so malamang akala nila natutulungan ko sila, ‘di nila alam natutulungan din nila ako,” sey ni Bea.

Wrestler/action star na si John Cena, nadiskubre nang maging bouncer sa club

Bago naging sikat na wrestler at action star-comedian si John Cena, nag-struggle raw siya noong hinanap niya ang kapalaran niya sa Los Angeles, California mula sa hometown niya sa West Newbury, Massachussetts in 1998.

Kinuwento ng Ricky Stanicky star na natutulog lang daw siya noon sa loob ng kotse niya at umaasa sa libreng pizza bilang pagkain niya sa araw-araw.

“My whole existence is based on a series of fortunate events that kind of lined up with each other. I did not know that wrestling was even a career option. I didn’t move out to L.A. to pursue entertainment. I came out here to apply my degree in exercise physiology and kinesiology and really failed.”

Sinubukan din daw niyang mag-apply bilang California Highway Patrol, pero ‘di niya napasa ang exam. Kaya nagtrabaho siya bilang bouncer ng isang club bago siya nadiskubre para maging wrestler in 1999 dahil sa laki ng katawan niya.

Taong 2001 noong maging isang wresling superstar si John na naging ticket niya para sa isang successful Hollywood career. Ilan sa mga pelikulang nagbida siya ay sa The Marine, 12 Rounds, The Wall, Blockers, Playing With Fire, Vacation Friends, The Independent at Peacemaker.

Show comments