Lolit Solis pinayuhang mamahinga na ang TV-host...Willie Revillame, nasungkit ang noontime slot ng PTV 4?!
MANILA, Philippines — ‘Kakatawa ang komento ni Nay Lolit Solis sa isyung babalik diumano si Willie Revillame sa noontime slot ng PTV 4 matapos ‘di magtagumpay sa planong makuha ang inayawang timeslot ng It’s Showtime sa TV5.
Under negotiation na diumano ang pagpasok ni Revillame sa government station.
Na ang slot palang ito ay ibinigay dati sa talent manager na si Arnold Vegafria pero biglang nagkaroon ng pandemic. May down payment na raw ito sa ibang magho-host sana ng programa na naunsyami.
“May manonood pa ba?,” comment ni Nay Lolit.
“Laos na siya ‘no. Ang artista dapat honest ka sa sarili mo. Alam mo when you’re sliding o nandu’n (nasa taas) ka pa.
“Stop habang nasa taas ka pa. Pero sa case ni Willie, pilit siya nang pilit sa sarili niya kahit alam na niya na nasa baba na siya. Ni hindi nga siya pinag-usapan nung kaguluhan ng mga noontime show. Nabanggit ba name niya? Hindi...” sabi nito habang ka-lunch namin kahapon.
Dagdag pa nito, “Mag-comeback na lang siya nang mag-comeback.
“‘Wag niyang sirain ang PTV 4. Maganda na takbo, ‘no. Masisira ‘pag nandu’n siya.”
At ang kanyang mensahe sa TV host na ngayon ay nasa digital platform muna... “Naku, Willie, tumahimik ka na lang tutal marami ka nang naipon, may pera ka na, tumahimik ka muna. Saka ka na magbalik kapag hinahanap ka na ng tao, ‘no. Walang naghahanap sa ‘yo. Naku, ikaw lang naghahanap sa sarili mo, ‘no.”
Ahhh.
Ruffa, may paalala sa anak na 20 anyos na!
Wow, 20 years old na ang panganay ni Ruffa Gutierrez kahapon.
At ang paalala niya sa anak, ang buhay ay pwedeng maging komplikado at nakakatakot kung minsan, pero puno rin ito ng mga sorpresa.
“To my first born, @loringabriella
“I can’t believe you’re 20 today!! Time flies, indeed. You woke up this morning in disbelief that you’re not a teenager anymore.
“Yes, Lorini pie. Life can be complex and daunting at times, but it’s also full of surprises. Try. Take chances. You’re a strong, determined, courageous young lady with a lot of faith. Enjoy your youth and not having to pay the bills…for now.
“Here’s wishing you faith, courage, and commitment to succeed in all walks of life. Know that your entire family will hold your hand and support you in all of your endeavours. Fly high my baby girl. May all of your dreams and aspirations come true,” bahagi ng post ni Ruffa.
Recently lang na-reconnect ang relasyon ng mga anak ni Ruffa na sina Lorin at Venice sa ama nilang si Yilmaz Bektas kung saan binisita nila ito sa Istanbul.
Kasama nga ba sa Bali? Joshua kinumpirma sa pasta ang jowa?!
Kasama nga ba si Joshua Garcia sa Bali, Indonesia ang rumored girlfriend niyang golfer na si Emilienne Gabrielle Vigier? Or baka naman napagkamalan lang siya dun sa kasal nina Rambo Nuñez and Maja Salvador kung saan isa si Joshua sa mga bisita.
At mas lumakas ang rumor nang mag-post ng French-Filipina ng IG story na may “my person is back” na may naka-ready na pasta ingredients.
Sinundan ito ng ‘First meal of the day + Cheat meal of the week’ na niluto ng isang lalaki .
Ni-repost ni Joshua ang isa sa mga IG story nito.
Unless para sa endorsement ito ng pasta noodles.
Nauna nang na-share ng Instagram story ang golfer ng cover ni Joshua sa Mega Man. Ang usapan tungkol dito ay nag-umpisang umikot ilang linggo na ang nakalipas matapos mapansin ng fans sa social media nina Emilienne at Joshua ay parang nagpapahiwatig na sila ay nasa iisang lugar na magkasama – mula sa elevator mirror photo ni Emilienne hanggang sa kani-kanilang cooking diary.
- Latest