MANILA, Philippines — Habang nagce-celebrate sina Jalosjos ng 44 years ng show ng TVJ, dahil sila naman talaga ang nagsimula noon, at kanilang ideya ang tumakbo sa loob ng 44 na taon na siyang dahilan kung bakit ang Eat Bulaga ang naging longest running noontime show sa buong mundo. Sila rin ay matatawag na ngang legend dahil napanatili nilang number one ang kanilang noontime show hanggang sa mga oras na ito. Bawas na ang excitement ng dati nilang show pero ang E.A.T. ng TVJ ngayon sa TV5 ang siyang nangunguna pa rin.
Ilang TV shows na rin ang ginawa at inilabas ng TV5, kabilang na ang It’s Showtime, pero hindi naman sila nag-number one.
Kaya maliwanag na brilliant decision ni MVP na kunin at bigyan ng preference ang TVJ. Ngayon sa pagpasok ng TVJ biglang lumobo ang audience at commercial load ng TVJ sa TV5.
At ang maganda sa naging celebration ng TVJ noong Sabado sa E.A.T, binalikan sila ng mga original Dabarkads.
Kathryn, legit ang award
Nanalo pala si Kathryn Bernardo bilang Outstanding Asian Star sa Seoul International Drama Awards sa Korea. Ok na award iyan, kasi nakuha iyan ni Kathryn na walang lagayan.
Hindi mo masasabing kagaya iyan ng ibang awards dito sa atin na nabibili naman ang karangalan.
Biglang yaman nga ang isang grupo, isipin mo tig-P4K daw ang pinagpartehan sa isang kategorya lamang ha, eh papaano pa iyong mga package deal?
Na halata mo namang nabili ng buy one take one.
Vice, walang pag-asang chikahin ni Jessica
Tama lang ang ginawa ni Jessica Soho na iwasang makausap si Vice Ganda noong GMA Gala.
Matapos kang insultuhin, ano kakalimutan na lang nang ganun na lang.
Kung tutuusin puwedeng magdemanda si Jessica sa ginawa ni Vice, pero bakit nga ba gagawin ni Peabody Awardee na itaas pa sa level niya ang mga patawang kanal na ginagawa ni Vice sa kanyang concerts. Tapos ganoon na lang, kalimutan na lang?
Mali ang sinasabi ng iba na tutal naman daw Kapuso na ngayon si Vice Ganda. Hindi ha, blocktimer lang ang show nila sa GTV at inilalabas din iyon sa iba pang channels.
Inilalabas din iyon sa Zoe TV, bukod sa inilalabas pa rin sa cable channel ng ABS-CBN at sa kanilang mumunting internet channels. Sa ngayon kahit na sabihin mong sikat ka at may following basta lumabas ka sa internet, blogger ka na rin.
Kakausapin ba ni Jessica si Vice?