Hindi pa tapos hanggang kahapon ang pang-iimbyerna ng ilang netizens kay Kabayan Noli de Castro pagkatapos nitong mag-one-liner sa katatapos na kasal nina Arjo Atayde at Maine Mendoza sa Baguio City. “Kayo habang kinakasal, kawawa naman ‘yung mga binagyo,” dialogue ni Kabayan Noli nung ibalita ni Gretchen Fullido sa showbiz segment ng TV Patrol noong Biyernes ang ilang kaganapan sa Arjo-Maine wedding.
“Si Egay na kalalabas lang ay may papalit naman na si Falcon. At ang possibility na maaaring ang dinaanan ni Egay ay daanan din ni Falcon at mabigat ‘yan na pasanin sa mga kababayan na hindi pa rin nakakabangon hanggang ngayon. ‘Andoon pa rin sa lugar kung saan napinsala sila ng bagyo at binabaha,” dagdag pa ng beteranong broadcaster.
Basag-trip din sa nasabing kasalan ang ilang diehard ng AlDub (Alden Richards and Maine Mendoza) fans.
Fake raw ang pinakasalang Maine ni Arjo dahil ang totoong Maine raw ay may tatlong anak na kay Alden.
“Sorry po I still stick to what I believe... I KNOW THE REAL NICOMAINE DEI MENDOZA IS MARRIED TO RICHARD FAULKERSON JR & THEY HAVE 3 KIDS... MAY RESIBO AKO NYAN.... KAYA YOU CANT MAKE ME BELIEVE.. SARRY BASH PAMORE..”
Hahahaha.
James, mas gusting makipag-collab sa mga imported
Hindi lang pala sa South Korean artists nakikipag-collab si James Reid.
Meron din siyang collab sa Singaporean singer-songwriter na si Benjamin Kheng.
Ito ay para sa single na Rock Bottom Blues, na mula raw sa album ni Benjamin, Gloomy Boogie.
Commenting on the collaboration, James Reid shares, “Benjamin is a talented musician, and it’s been an honor working with him on this track. The song holds a serious topic, but Ben’s playful personality couldn’t help but shine through. We aimed to infuse a playful energy into the song while staying true to its heartfelt essence.”
Benjamin Kheng adds, “It’s been amazing getting to work with James on this track, not just to witness, up close, a superstar of his caliber be the amazing talent and human that he is, but also how beautiful it is to be able to make music across borders and draw parallel lines between our journeys. Here’s hoping we build more music roads across our barriers and get to see more Southeast Asians working together.”
Rock Bottom Blues will be available on all digital streaming platforms from July 28, 2023.
Cute si Benjamin Kheng nang silipin ko ang music video nila ni James kung saan na-feature sila ElleMen Singapore.
Yassi nagdala ng glam team nung rumampa sa Amerika
Marami palang ganap si Yassi Pressman sa kanyang US trip recently.
Pero more than the trip, napansin din ang kanyang fashion pieces.
In all fairness, winner ang bawat inirampa niyang damit.
At ang suwerte ng mga hair and make-up artist ngayon, Mikka Marcaida for Yassi, dahil bitbit sila ng mga celebrity pag-aalis ng bansa para ayusan sila.
Noon ang mga make-up artist hindi umeeksena, nagmi-make up lang sa mga celebrity.
Ngayon may sarili na silang moment at umi-influencer na rin, sumusunod sa yapak ng kanilang mga kliyente.
Anyway, kabilang sa mga pinuntahan ni Yassi sa US ang Rise for Comedy II with Jokoy, Halo Halo Hollywood Summer Social and Here Lies Love VIP Lounge kung saan niya naka-chika ang bida ritong si Lea Salonga.
Actually kahit si Jokoy ay may selfie pa sila.
“thank you kuya @Jokoy for giving us an amazing show and showcasing even more amazing talent.
“thank you for getting through that door and KEEPING YOUR FOOT DOWN and holding that door to help other people come thru tooooo!
“applaudable ~ and most of all thanks for showing the world our culture! and taking PH flag whereever you go!!”