Congratulations to Julie Anne San Jose and Rayver Cruz sa success ng kanilang first movie team-up, ang The Cheating Game na showing now in theaters nationwide. Thankful ang mag-sweetheart sa kanilang fans sa sunud-sunod na block screening ng movie.
Pagkatapos ng movie, nag-start na si Rayver mag-taping ng bagong teleserye sa GMA Afternoon Prime, ang Asawa ng Asawa Ko, with a new leading lady, si Jasmine Curtis-Smith. Story ito ni Jasmine as Cristy na biglang nakita ang sarili in an unfamiliar territory at wala na siya sa buhay ng asawang si Jordan (Rayver) and their daughter.
Ang series ay ididirek ni Laurice Guillen. Makakasama sa cast sina director-actress Gina Alajar, Martin del Rosario, Liezel Lopez at si Kapamilya actor, Joem Bascon will portray his first major role in a Kapuso series.
Vlogger na rin!
Magkasamang humarap si Alfred Vargas at ang brother niya, si Quezon City Congressman PM Vargas sa isang lunch with some members ng entertainment press.
Ayon kay Alfred, may YouTube channel na silang magkapatid, ang Vargas Tries, Pwede! na isini-share niya ang journey niya to physical fitness. “Pwede kayong mag-request kung may gusto kayong ipagawa sa akin,” pagpapakilala ni Alfred sa nilalaman ng kanilang vlog. “Gusto ba ninyo akong maging magsasaka? O teacher? O barangay tanod? Basta samahan nyo akong subukan ang iba’t ibang trabaho, and I will really try my best to do it for you.”
Natanong namin si Alfred kung ano ang susunod niyang teleserye after AraBella na
pinagtambalan nila ni Camille Prats with young Sparkle stars, Shayne Sava and Althea Ablan.
Mayroon na raw sinabi ang GMA na sisimulan nila sa September, pero gusto raw muna niyang mag-focus sa pregnancy ng wife niyang si Yasmine sa fourth child nila. Hindi raw siya nagwi-wish kung babae o lalaki ang susunod nilang anak, basta healthy lamang ang coming baby nila. “Pero natapos na namin ang Pieta na nakasama ko ang dalawang mahuhusay na actress sina Ms. Nora Aunor at Ms. Gina Alajar. Isasali namin ito sa coming Metro Manila Film Festival 2023. I hope it will qualify.”
Sa kasalukuyan ay ipinagpatuloy ni Alfred ang studies niya, he is now taking up his doctorate on philosophy at the UP College of Public Administration and Governance, majoring on Urban Planning.
John Lloyd at jowa ni Katrina, mag-BFF!
Best friend pala ni John Lloyd Cruz ang boyfriend ngayon ni Kapuso actress Katrina Halili, na ipinagtapat niya nang mag-guest siya sa Fast Talk with Boy Abunda. Non-showbiz raw ang boyfriend niya. Binanggit din ni Katrina na kahit daw may boyfriend siya ngayon, wala na siyang planong magpakasal at magkaanak. Okey na raw sa kanya ang 8-year-old daughter niyang si Katie Lawrence na anak niya sa dating partner niya, ang singer na si Kris Lawrence. Happy raw siya na magkasundo ang boyfriend niya at si Katie.
Isa si Katrina sa bumubuo ng cast ng Black Rider na pinagbibidahan ni Ruru Madrid at first teleserye ni Matteo Guidicelli sa GMA.