Mga dating superstar, pababalikin ang mga tao sa sinehan  

It is not yet the end of an era, kagaya nang sinasabi ng ibang observers ng industriya. Sinasabi nila, namatay na ang action genre sa ating mga pelikula, nang halos magkasunod na nawala sina FPJ at Rudy Fenandez.

May mga nagtangka rin namang gumawa ng action pictures, pero nang ilabas ay flop din sa mga sinehan, ang katuwiran mas malalaki ang action pictures ng Kano at iyon ang pinanonood ng mga tao, bukod nga sa tadtad na rin ng local action ang telebisyon na napapanood pa nila nang libre.

Ang comedy naman, naapektuhan din nang mawala ang king of comedy na si Dolphy. Ang mga ibang komedyante kasi ang nasa isip nila ay hindi nila kaya ang ginanagawa ni Dolphy. Malabnaw ang mga comedy na noong nakaraan ay puro gay characters, na napapanood naman nila nang live sa comedy bars.

Ang sinasabing natitira na lang pag-asa ng industriya ay ang drama, at iyon ay dahil matagal na nagpahinga ang mahusay na aktres at Star for All Seasons na si Vilma Santos dahil pumasok siya sa pulitika at paminsan-minsan lang gumawa ng pelikula.

Anim na taon na ang nakaraan nang gumawa ng pelikula si Vi.

Kaya natuwa ang die hard fans ni Vilma nung nag-shooting na siya ulit ng isang pelikula, na kinunan pa sa abroad, ang When I Met You In Tokyo.

Katambal din niya sa pelikula si Boyet de Leon na nakasama niya sa 25 na pelikula at lahat ng kanilang tambalan ay naging malaking hit. “Alam mo iyong pagsali sa MMFF may advantage eh, maski na sa promo, kasi mayroon pang Parade of Stars na pinupuntahan talaga ng fans, at kung dumayo na sila para manood ng parada, huwag mong sabihin na hindi sila babalik para manood ng sine.

“Acid test iyan para sa indusriya kung ang mga pelikula ay hindi makakabawi, aywan ko kung ano pa ang gagawin natin sa industriya natin,” pahayag pa ni Ate Vi.

Kasama sa MMFF ang isang pelikula ni Sharon Cuneta at Alden Richards. Pero alam naman natin na simula nang mag-comeback bale si Sharon, nakasama na niya ang lahat ng mga malalaking aktor, kabilang na sina Richard Gomez, Robin Padilla at maging si Marco Gumabao, pero hindi na nga impressive ang kita ng mga pelikulang iyon.

Isasali rin daw ang isang pelikula ni Nora Aunor.

Abangan natin kung paano makakabawi ang pelikulang Pilipino sa darating na Pasko.

Dawn, nagpaliwanag sa pagpunta sa Amerika

Mag-aaral daw ang isa niyang anak sa US at gusto niyang samahan iyon para may mag-asikaso naman sa bata. Iyon ang sinasabing dahilan kung bakit nagtungo si Dawn Zulueta kasama ang isa niyang anak sa US.

Dito naman malisyosong kumakalat ang mga tsismis na nakipaghiwalay na raw si Dawn sa kanyang asawa, na si Secretary Anton Lagdameo, nang matuklasan niyang may ibang babae ang mister, pero maraming duda sa tsismis.

Ang tagal na nga naman nilang nagsasama.

Sa ngayon gusto naming paniwalaan na sinasamahan lang ni Dawn ang kanyang anak sa US. Isa pa, baka gusto rin niyang maka-bonding ang father niya na matagal na ring naninirahan sa US, na noong araw gusto man niyang dalawin ay hindi puwede dahil sa rami ng trabaho niya.

Willie Nep, namatay sa pagkahulog sa kama!

Nahulog pala si Willie Nep sa kama habang natutulog, isinugod naman siya agad sa ospital at naoperahan pa pero hindi rin siya nakaligtas.

Isipin ninyo, walang sakit at natutulog, tapos nahulog lang sa kama, namatay na.

Pumalo raw kasi sa semento ang kanyang ulo nang bumagsak siya. Isinugod siya sa Marikina Valley Medical Center kung saan mabilis na isinagawa ang isang operasyon sa kanyang utak, pero wala na ring nangyari.

Ipake-cremate raw ng kanyang pamilya si Willie at saka paglalamayan ng mga gustong makiramay sa San Roque Marikina.

Show comments