Uge, ginawang tagalog teacher ng anak ni Pokwang  

Mag-best friends talaga sina Eugene Domingo at Pokwang dahil may pakialam sila sa buhay ng isa’t isa.

Sa recent bonding ng mag-BFF (Best Friend Forever) sa vacation home in Pokwang, tinuturuan ni Uge ang anak ni Pokwang na si Malia kung paano magsalita ng diretsong Tagalog.

Post ni Pokwang sa Instagram: “Hahahahahha ang ganda?? Hindi? Hindi? kaloka si @malia_obrian with her tagalog teacher nang nang Uge. Maganda na sana ang shot kung di kasama daliri mo nang nang!!! #FutureDyesebel”

Reply ni Uge: “Ang batang nagtatagalog at ingles ay nakakatuwa.”

Libre nga raw ang pagiging Tagalog teacher ni Uge kay Malia dahil inaanak niya ito. Ilang taon na raw silang mag-best friends ni Pokwang kaya tuwing kailangan nila ang isa’t isa, isang tawag lang daw at magkikita o mag-uusap sila.

Muling magkakasama sina Uge at Pokwang sa isang pelikula pagkatapos ng Ten Little Mistresses na pinalabas sa Prime Video. Ngayon ay tinatapos na nila ang comedy na Becky and Badette.

Robi ‘di binanggit ang naging sakit ng mapapangasawa

Marami ang nagtatanong kung ano ang naging sakit ng fiancee ni Robi Domingo na si Maiqui Pineda dahil tinakbo ito sa ospital kamakailan.

Pinost pa ni Robi sa Instagram na nakahiga ito sa hospital bed at nagbabantay siya. “These past few weeks have been difficult to say the least... but I’ll be here for you, with you,” caption ni Robi sa kanyang IG post.

Walang binanggit si Robi kung ano ang nangyari kay Maiqui pero humihingi ito ng dasal sa kanyang mga kaibigan at followers sa social media para sa mabilis na paggaling ng kanyang fiancee na baka by this time ay nakalabas na ng hospital.

Kelan lang ay lumipat na ang dalawa sa pinagawang bahay ni Robi at ibinenta nito ang kanyang bachelor’s pad. Naikuwento rin ng TV host na hands-on sila ni Maiqui sa pag-asikaso ng kanilang wedding.

Kung ano raw ang gusto ng kanyang fiancee sa wedding nila, ibibigay daw niya iyon na walang tanung-tanong.

Na-engaged sila sa Tokyo, Japan noong November 2022. Wala pang binigay na wedding date ang dalawa.

Show comments