Heart, Marian at Anne, milyun-milyon ang inirampa sa Gala!
Ramdam na ramdam ang presence ng Kapamilya stars na ‘gumala’ sa GMA Gala last Saturday night.
Tulad nga sa inaasahan, kasama sa mga gumala ang tropa ng It’s Showtime – Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro and Jhong Hilario.
Ganundin ang Unbreak My Heart actor Joshua Garcia.
At ang mga top executive ng dating kalabang network ng GMA 7.
Kabilang sa dumalong top executives ay sina ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak with ABS-CBN COO for Broadcast Cory Vidanes.
Naka-live sa YouTube channel ng GMA ang unang mga kaganapan sa nasabing Gala at ang haba ng interview kina Vice, Anne, Vhong and Jhong.
“We are very happy that we have a new home, GTV. The GMA family has been very supportive and we are very grateful for the support that they have been giving our ‘Showtime’ family and the madlang pipol. Maganda. Again, thank you very much to GMA,” sabi ni Vice kanyang Red Carpet interview.
Kasalukuyang napapanood sa GTV ang It’s Showtime at sa GMA ang Unbreak My Heart.
Samantala, pinatunayan naman ni Heart Evangelista ang pagiging high fashion and couture queen.
Very unique at walang pagpapa-cute ang kanyang sinuot na gown.
Pero ‘divine’ naman ang look ni Marian Rivera lalo na sa picture niya na may painting sa likuran niya.
Ganundin si Anne sa Audrey Hepburn look-alike.
Though may mga foreign counterpart silang nagsuot ng mga gown nila.
Si Heart ay si Daniel Roseberry na Schiaparelli ang designer;
Danielle Frankel of New York ang suot ni Marian at YSL ang kay Anne.
Bukod pa sa mga suot nilang alahas na todohan din ang presyo.
Actually, pinaka-winner silang tatlo sa nasabing event.
Though may hindi naintindihan ang style ni Heart pero sa malalawak ang understanding sa fashion, nadala nito ang nasabing couture gown.
Si Marian ay ang ganda ng kasimplehan pero more than half million daw ang halaga at ganundin si Anne parang balot daw sa lumpia pero YSL at ang sabi ay almost P400,000 ang presyo nito.
Pero bago ang pasabog na outfit ni Heart sa GMA Gala, nag-reyna pala ito sa ginanap na Paris Haute Couture Week.
Lumabas ang article na APO, MILE, CHA EUN WOO, HEART EVANGELISTA AND MORE DOMINATED MEN’S AND HAUTE COUTURE PARIS FASHION WEEK MIV NUMBERS... kung saan nakalagay sa nasabing article ng EnVi Media na : “Perhaps the most awaited Fashion Week in the circuit, Paris Haute Couture Week generated $118.8 million in MIV®. The event received particular attention from the APAC region, especially China, India and Thailand. “The importance of the event’s impact across Asia can’t be ignored, as a growing Couture sentiment is being shared across Chinese Channels, such as Weibo. The social platform generated 2.5 times more MIV® than it did in 2022,” Launchmetrics shared.
“With the region driving strong MIV® figures, Launchmetrics curated a list of the top APAC Voices creating buzz during the event. Filipino actress, singer and businesswoman Heart Evangelista ranked at the top. The fashion darling amassed $1.27 million in MIV® with 11 placements.”
Yup, nasa top position nga ang fashion darling at nag-ambag ito ng $1.27 milyon sa MIV (Media Impact Value™ is a proprietary algorithm created by Launchmetrics to measure and benchmark the impact of all media placements and mentions across different Voices in the Fashion, Luxury, and Beauty industries.) na may 11 placement.
Ayon pa sa nasabing article pumapangalawa ang actress / model from India, si Urvashi Rautela, na nakagawa ng $1.24 milyon sa MIV® sa pamamagitan ng limang placement.
Sumunod umano sina Lana Condor at Masoom Minawala na nakapag-deliver ng $767K, $616K at $601K.
Ang iba pang mga Asian star na tinutukan sa Haute Couture Week ay sina Bella Ranee Campen, Diana Penty, William Chan, Fan BingBing at ang Thai superstar na si Tontawan Tantivejakul, na hindi raw pisikal na naroroon sa anumang event, ngunit nakakolekta ng $368K sa MIV.
Ganun pala sila kabenta sa fashion all over the world.
Anyway, ngayong araw naman magaganap ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos at tiyak aabangan na naman ang Filipiniana na susuotin ni Heart at ni Sen. Chiz Escudero na rin na ‘new image’ ngayon.
Si Michael Leyva raw ang tumahi ng gown ni Heart ngayon.
Si Mark Bumgarner ang karaniwanang gumagawa ng Filipiniana ni Heart sa mga nakalipas na SONA kaya iba rin tiyak ang magiging look nito. (SVA)
- Latest